Best Friend

109 5 0
                                    

Katherine POV

Naiinis ako, lumalabas na nanaman. Ayoko na hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Sobra na kong nasasaktan, hindi ako pumasok ngayon. Gusto kong mapag isa, sa gantong nararamdaman ko gusto ko ako lang.

"Are you okay" May biglang nagtanong saking lalaki, hindi ko siya kilala.

"Yes, I'm fine, btw who are you?" Sabi ko nalang, maiirita lang ako eh.

"I'm Zach. Halika sumama ka sakin"  Damn sino ba ito, ni hindi ko nga siya kilala pero dahil wala ako sa sarili ko nagpahatak nalang ako, pero bago pa niya ko mailayo may nanghila ma sa akin.

"No, hindi siya sasama sayo" sabi niya, tinignan ko siya at nagulat ako, anong ginagawa niya dito? Pano niya ko nahanap?

"Sino ka naman?" Sabi ni ? Nino ba ito?

"I'm her boyfriend" nagulat ako sa sinabi niya. Seriously? Boyfriend?

"No, akin si------" bago pa niya matapos sinuntok na siya ni Xander.

"Hey, stop that." Sigaw ko sa kanya mamaya may makakakita pa sa kanya. "Halika na umalis na tayo" hinila niya ko palayo.

" Thank you" nginitian ko siya. Kumislap ang mga mata niya o guni guni ko lang. Nabubuang na ata ako. Bigla niyang ginulo ang buhok ko. Kung sa ibang babae ayaw yung ginugulo ang buhok nila, ako gusto ko. Hindi ko din alam kung bakit.

"Are you okay?, katherine?" Ngumiti lang ako sa kanya, simula pa ng bata kami, andyan na siya para sakin. Kaya super saya ko dahil meron akong katulad niya.

"Teka ba't ka pala nandito? Pano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya, bigla siyang umiwas ng tingin.

Kumamot muna siya ng ulo "Napadaan lang ako" sagot niya. Di pa din siya nakatingin sa kin.

Problema nito? "Napadaan? Bakit dito? Ang layo nito sa school ah" naguguluhan lang talaga ako, napadaan? Seriously?

"Umm andito kasi yung ano, yung Childhood oo tama childhood friend ko" sagot niya.

"Childhood? Akala ko ako lang childhood friends mo? Hmf" sabay nguso ko. Nakakainis meron papala siyang kaibigan.

"Ay ikaw talaga, ang arti arte mo, wag ka na ngang madaming tanong. O ikaw bakit ka andito? Di ka pumasok ah, sabi sakin nung Bestfriend mo" naalala ko si bebs, nakaka konsensya naman, di ako nag paalam sa kanya.
"Alam mo ba mukhang tanga yun kakahanap sayo, naiiyak nga dahil di ka nagpaparamdam sa kanya. Ano bang nangyari kasi?" Di ko masagot ang tanong niya, sorry bebs alam ko magtatampo ka sa kin. Pero ayoko  talagang malaman mo. Sorry.
"Hoy! Natulala ka na diyan halika nga kain nalang tayo" sabi niya at agad akong hinila.

"Oy gusto ko ice cream" mamaya ko na iisipin lahat ng problema ko, sa ngayon magpapakasaya muna ko.

Namasyal kami, nag arcade, at kumain ng madami. Ang saya ko ngayon. Thanks to Xander. ^_^

"Sige na, pasok ka na para makapag pahinga kana, pasok ka bukas ah" ginulo nanaman niya buhok ko. At hinalikan sa noo.

"Oo na po, Babye Ingat ka" kumaway ako sa kanya. Pagpasok ko sa loob ang lungkot ko nanaman, dahil mag isa nanaman ako. Tatawagan ko nalang si Bebs ng makapag sorry ako sa kanya. Kaso bigla akong nahilo, nabitawan ko yung cellphone ko at napahiga ako sa sahig. Di ko na kaya at nahimatay na ako.

---------------
Ano ang nangyayari kay kath? 😢

BEST FRIENDWhere stories live. Discover now