BESTFRIEND

77 5 0
                                    

"Babe I'm really sorry for what I do" he said, nandito kami ngayon sa sala.

"Pero bakit hindi mo sakin sinabi ng maaga?" Nagtatampo pa din ako sa kanya.

"Humingi kasi sakin ng pabor si Kath, bago siya umalis. Pinaubaya ka niya sakin na alagaan daw kita. At dun niya pinagtapat na may sakit siya. Pero wag ko daw sabihin sayo kasi ayaw niyang mag alala ka sa kanya. At pinasasabi niya, pasensya na sa lahat" napaiyak ako habang nagkukuwento siya. Kyle hugged me.. Miss ko na si Kath, sobra.   "May sulat siyang ipinabibigay sayo, mamaya mo na basahin babe, gusto niya na mag isa ka na basahin mo yan." Patuloy niya pa.

"Thank you, and I'm sorry too. Nagpadalos dalos ako" sabi ko sa kanya at niyakao din siya ng mahigpit..

"No babe, wag ka mag isip ng ganyan"

Nagtagal siya ng ilang oras dito, at umuwe na rin siya, dahil may aasikasuhin pa daw siya sa opisina nila. Tinignan ko ang sulat na binigay niya. Pumasok muna ko sa kwarto ko, at duon ko na binuksan...

Hi Kylie,          (April 02, 2016)

      How are you? I miss you so much bebs, sorry bebs sa lahat. I know na may tampo o galit ka sakin ngayon dahil sa ginawa ko sayo. Bebs sorry kasi hindi ko sinabi sayo na may sakit ako, ayoko lang na mag alala ka sakin, Sorry bebs. Ngayon, andito pa rin ako sa Hospital. Haha dito na nga ata ako titira. Namimiss ko na ang mga ginagawa natin dati. Sana kasama pa kita ngayon. I really sorry bebs sa lahat ng mga ginawa ko. Mahal na mahal kita. Sorry din sa mga dati, sa mga sinabi ko sayo... Ingat ka lagi bebs. Kung gusto mo ko bisitahin, kung handa ka na. Here my address. (****************)

Loveeeeeeeeee,
Kath...

Napangiti ako sa sulat dahil sa wakas makikita ko na ulit siya, Excited na ko na makasama siya ulit. Oras na umuwi sila mama. Sasabihin ko sa kanila ang lahat. At magpapa alam ako na pumunta kay Kath...

"Aalis na po kami tita." Paalam ni Kyle kay mama, ngayon ang flight namin papuntabg America, para madalaw ko si Kath.

"Sige ijo, ingat kayo.. Ingatan mo din itong si Kylie" sabi ni mama, humalik ako at niyakap siya. Pagdating namin sa Airport saktong tinawag na ang eroplanong sasakyan namin.

"Matulog ka muna babe, mahaba-haba ang byahe natin" sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya...

"Ikaw? Paano ka?"

"Maya maya matutulog din ako, Don't worry" he smiled. Natulog na ko dahil inaantok ako talaga pag bumabyahe ako. 12 hours (A/N: di ako sure kung ilang oras flight sa America guys. *^▁^*) Nagising nalang ako ng biglang gumalaw at tinapik ni Kyle ang pisngi ko.

"Babe, were here. Fix your self" kinuha niya ang ibang gamit namin, at bumaba na kami sa Airplane.. Pagkalabas namin ng Airport nag taxi kami papunta sa Hotel na pinag cheke-in namin. Isang suit nalang ang kinuha namin. "Pahinga ka muna, mamaya nalang natin bibistahin si Kath." Umiling ako.

"Masyado na kong maraming oras sa pagpapahinga kanina, kaya gusto ko na siyang makita kaagad" tumango na lang siya at nagpaalam na magpapalit ng damit..

Lumabas na kami ng Suite na tinutuluyan namin at pumunta sa Hospital na kinaroroonan ni Kath.. Sa totoo lang kabado talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang unang magiging reaction ko o una kong gagawin. Mabilis kaming nakarating sa Hospital, hindi parin mawala ang kaba sa aking dibdib.

"Are you okay? You look nervious.. Pwede ka pa naman mag back out." Anya niya at tinitigan akong mabuti.

"Hindi.. Kaya ko na", I smiled. And He kissed me on my cheek. Pumasok na kami at agad pumunta sa station ng mga room. Madaling binigay ng naka tokang nurse duon. Bumuntong hininga ako bago pumasok sa room ni Kath.

Hinawakan ako ni Kyle sa balikat ko. Dahan dahan kong pinihit ang pintuan, bumungad sakin si Kath na mahimbing na natutulog at sobrang payat niya. Napahikbi ako, I miss her so much. Naawa ako sa lagay niya. Unting unti nagmulat siya ng kanyang mata at gulat ang rumihisto sa kanyang mukha.

"K-kyle? I-ikaw b-ba y-yan?" Mautal utal niya tanong. Halatang wala na siyang lakas. Napunta ako sa kanyang kinaroroonan at niyakap siya ng bahagya, narinig kudin ang mga hikbi niya.

"Bebs, I miss you" anya ko, pero di pa din tumitigil sa paghikbi.

"Na-namiss din k-kita." Humarap ako sa kanya at ngumiti siya. "S-sorry sa l-lahat a-ah" anya niya pa. Umiling ako at niyakap siya ulit.

"Bebs, wala na sakin yun. Nagtampo parin ako sayo ng konti kasi hindi mo sinabi sakin ito" napayuko siya at hingi ng hingi ng sorry sa akin. "A-ano palang sakit mo?"

"May Leukemia ako, at malala na ito kumalat sa buo kong katawan, kaya ito inaantay ko nalang na mamatay ako." She smiled weakly.

"Bebs wag mo sabihin yan, may pag asa pa." Pampalakas ko sa kanya.

"No bebs wala ng pag asa, at matagal naman na akong handa para dito... Masaya na ako na ngayon nakita na kita, at handa na talaga akong mawala" she smiled again.

"Bebs ano iiwan mo na ko?"

"Be-bs hindi kita iiwan lagi naman akong nasa tabi mo, hindi mo lang nakikita pero lagi kitang babantayan" inabot niya ang kamay ko. "Ikaw alagaan mo sarili mo pag wala na ko.. Balita ko kayo pala nagkatuluyan ni Kyle, I'm happy for both of you.. May isa din pala aking pakiusap sayo" lumungkot ang expression niya.

"Ano yun?" Nangingilid parin ang luha ko.

"B-ba-ntayan mo si Xander para sakin ah.. "

"Bebs----"

"Sabihin mo sa kanya na sobra ko siyang mahal. Masakit pero hanggang dito nalang talaga kami. Na hindi kami para sa isa't isa.." She cried. "I love him so much bebs, more than anything, kaya please pakibantayan siya" binuksan niya ang isang drawer dun at binigay sakin ang isang box na medyo kalakihan.. "Here, pakibigay ito sa kanya araw araw ko siya sinusulatan at diyan ko nilalagay.. "

"Sige bebs ibibigay ko ito sa kanya, pangako.." I smiled and kissed her in top of her head.

"Thankyou bebs, Stay here until the end of my life" hinigpitan niya ang kapit sa aking kamay.

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon