Best Friend

88 5 0
                                    

Nagising ako sa hinding pamilyar na silid. Nahihilo pa rin ako. Kanina bumagsak nalang ako at may sumigaw pero di ko na siya nakilala

"Omygash bebs, are you okay?" Si kylie nandito siya. Siya siguro yung kanina.

"Bebs" bumaling ako sa kanya naiiyak ako, namiss ko siya.

"Bebs ikaw ah di ka nagparamdam sakin, pero dahil may sakit ka magpahinga ka muna sa ibang araw nalang kita Pagagalitan" natawa naman ako dun. Papagalitan niya talaga ako. :D

"Sorry bebs, sorry dahil di ako nagparamdam, alam kong nag aalala ka sakin" di ko na napigilan na umiyak.

"Ano ka ba bebs, don't cry na, you look like ugly" pag pagaan ng loob niya sakin, niyakap niya ko. "Ikaw naman kasi, kahit nag txt kalang na okay ka. Para di ako mag alala ng ganito!" Dagdag niya pa.

Lumabas na din ako ng ospital, at kanina bago kami lumabas, pinatawag ako ng Doctor at may sinabi siya sakin. Halos hindi ako makahinga.

Hindi na ko nagpahatid kay kylie, kasi gusto ko muna mapag isa, ayoko ng may nakakakita sakin na umiiyak, ayokong pag awaan nila ako, gusto ko masaya sila para sakin.

Kylie POV

Nakakakaba, alam ko may mali kay Kath nararamdaman ko yun, kahit di pa kami ganun katagal magkakakilala alam ko na may dinadala siyang mabigat. I feel sad for her. Biglang nag Vibrate ang phone ko. Tinignan ko kung saan galing, at nakita ko na kay Kath.

From: Bebs 👭💕

Andito na ko sa bahay bebs, wag ka na mag alala. Thankyou sa pagsama sakin. Mwah. XOXO.

Napangit ako buti naman nag text na siya sakin.

To: Bebs👭💕

Good. Always welcome, basta wag ka mahiyang lumapit sakin if you have a problem. Mwah. XOXO!

Tinabi ko na ang cellphone ko sa desk sa tabi ng camera ko at pinatay na ang ilaw. Salamat at alam ko na okay siya bukas ko nalang siguro siya tatanungin kung may problema siya.

Kinabukasan, maaga akong pumasok baka sakaling maaga din siya dahil may practice sila ng Volleyball. Tumatakbo ako papuntang field, bigla akong natumba, hindi dahil sa bola kundi dahil sa matigas na bagay ako nabangga, sheyt ang sakit. Tinignan ko kung ano yun. Nagulat ako tao pala, ba't ang sakit bato bato ba ito?

"Di ka mag sosorry?" Mahinahon kong sabi sa kanya. Tinignan niya lang ako.

"Okay, aalis na ko." Sabi ko at lumakad na. "Pasalamat ka at nagmamadali ako" bulong ko at alam ko na hindo niya iyon maririnig.

"Salamat......... Kylie" sheyt sheyt. Dalawang sheyt dahil narinig niya ko at ang isa ba't niya ko kilala? Nilingon ko siya, at nakita ko na ngumisi siya sakin. At naglakad paalis. Hindi ko magawang magsalita dahil sa gulat. How did he know my name? Creepy mga bessywap! aaaaaAAaaaaaaah.

BEST FRIENDWhere stories live. Discover now