CHAPTER 7 - A night

Start from the beginning
                                    

Napahiga nalang ako sa sahig mula sa pagkakaupo ko sa harap ng lamesa. Since may blue carpet ito sa ilalim, malabot at pwedeng pwede higaan ito. At nagpakawala ako ng isang buntong-hininga. Pinikit ko muna ang mga mata ko at tinakpan iyon ng braso ko. 

'Ano bang nangyayari ngayong araw? I can't imagine them' isip ko sabay tantrums na parang bwisit na bwisit.

Sa dami ng nangyari, ang dami ko tuloy pinag-iisip na hindi maganda. Like, 'she' is not the only mystery to me, but everything.

*BLAG*

Nagulat ako sa narinig ko mula sa likuran ko.

Parang lumiwanag ng onti sa bandang dulo ng kwarto at hindi ko nagustuhan ang tunog na nanggaling doon. As if na may nabasag na something. Tumayo ako sa kinauupuan ko para makita. Nakaharang kasi ang kama ko since nasa magkabilang side ang lamesa at ang bintana ng kama.

"Ano ba 'yan, Sariah, there is the door and - " napahinto ako sa pananalita ko ng hindi ko inaasahang iba ang makikita ko sa bintana ko. I didn't expect anything to be like this.

It's that ninja!

She is just standing in front of my window with broken galsses scattered everywhere. Napahawak ako sa chest ko. Parang sasabog na sa kaba. Why, what does she want from me?

Why does she keep bugging me!?

Napahakbang ako sa likod ko dahil umaabante siya patungo sa akin. She just kept on moving towards me and I keep on stepping backwards.

Ayoko ng ganito...


Hindi ko namalayang nakaabot na pala ako sa dulo ng kwarto't napasandal na lang ako sa pader habang hawak hawak ko parin ang dibdib ko. And she just kept on walking while I'm in the limit of the room.

For pete's sake, what does she want?!

Nagslide ako sa pader at napaupo nalang ako sa sahig. I can't take it. Sasabog na talaga ako sa kaba. Pero nanlaki ang mga mata ko ng may abutin siya sa pocket niya. And just the same as before, may scarf nanaman siya and naka-uniform uli. And I can't see anything sa figure niya dahil ang narereflect lang ng ilaw ay yung likod niya. Plus, her scarf is covering half of her face.

Nung nakuha na niya ang nasa pocket  niya, parang isang maliit na stick siya na medyo makapal at may pinindot siya dito. At lalo akong nagulat ng may lumabas na kutsilyo doon!

Itinaas niya ang kutsilyo at kitang kita ko ang pagtama ng ilaw doon at alam na alam ko ang binabalak niya.

Napatakip nalang ako sa ulo ko dahil takot na takot na ako. Kabang kaba ako sa nangyayari at hindi pa maproseso ang lahat sa utak ko. Mula umaga hanggang gabi, iba't iba ang nangyayari. 

Hanggang kwarto ko ba naman?


Bago pa man ako maatake ng babaeng ito, may narinig akong bumalabag sa gilid kaya parehas kaming napalingon doon. May pumasok sa may pintuan at laking gulat ko ng nagpakita si Drew na nanlalaki ang mga mata sa nadatnan niya.

Nasa likod niya si Sariah at kitang kita ko rin ang takot sa mga mata niya at namumutla siya doon. Bigla nalang may kinuha si Drew sa may bulsa niya at biglang sumugod sa babaeng ito. At tulad ng nangyari kanina lamang, nagsi-atakihan na ang dalawa. Leaving me frightened here, tumakbo sa akin si Sariah at niyakap ako.

"Ate! Okay ka lang ba?!"

"h-hah? O-oo.."

Natigil si Sariah sa pag-aalala sa akin at sinundan niya ang tingin ko. Pinanood lang namin si Drew at yung babaeng nagfefencing gamit ang mga kutsilyo at armas na laging bitbit ni Drew.

51st BODYGUARDWhere stories live. Discover now