Agad siyang nilapitan ni Cyrus nung makita siya nito. “Pare! Mabuti naman at nakapunta ka.”

“Nice place. Malaki ang pinagbago mula nung mapunta ako rito.” Komento niya.

“yes. Halika, baka raw makakasunod si JC, pinayagan yata ni Mavee.”

“Mabuti naman, akala ko ay ibuburo na niya ang sarili niya sa negosyo at asawa.”

“He’s just in-love and happy. Ikaw,kailan kita makikitang may sineseryosong relasyon?” Baling nito sa kanya, sabay iniabot ang alak na ibinigay ng bar tender.

“Huwag nyo akong idamay sa kalokohan ninyong dalawa. Ikaw nga na parang si Leila lamang ang babaeng nakikita mo.”

“Pare, sinasabi mo lang yan dahil hindi mo pa nakikilala ang babaeng magpapatibok ng puso mo.” Natatawang asar ni Cyrus, ganito rin siya noong hindi pa niya nakikilala si Leila.

“Tigilan mo ako, kung tumulad ako sa inyo, hindi na ako mag eenjoy sa kakatingin ng mga babaeng narito ngayon sa bar mo.” Iginala niya ang paningin, biglang binalikan niya ang isang table.

“Si Charly ba yun?” Wala sa sariling tanong niya, isang babaeng nakasuot ng sobrang ikling palda ang nakita niya, napasimangot siya nung makitang manipis na tela lamang ang suot nitong pang itaas, although may suot itong kung ano sa loob but still sobrang sexy pa rin. Ang taas ng heels ng suot nito kaya mas lalo pang naging sexy sa paningin niya. Inilaglag lamang nito ang buhok at animo hindi na pinagkaabalahang suklayin.

“Sinong Charly?” Hinanap ni Cyrus ang tinitignan ni Claude Anton, puro magaganda at sexy ang nakikita niya kaya hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito. May dalawang lalaki at tatlong babae ang umookupa sa lamesang iyon na hindi kalayuan sa kanila.

“Damn! Si Charly nga!”Bigla siyang sumimagot, ano at ganoon ang suot nito? Kasama nito ang mga pamilyar na mukha, so malamang ay empleyado ng Papa niya. Nakatingin ang dalawang lalaki kay Charlotte, alam niyang namimiyesta na ang mga mata nito sa katawan ng dalaga.

“Sinong Charly?”

“Si Charly, kaklase natin nung high school.” Inilayo niya ang tingin. Ayaw niyang mainis sa gabing yun.

“Charly?”

“Charlotte Tamayo.”

“Ah! Si Charlotte! Yung babaeng may malaking gusto sa iyo. Saan jan pare?”

“Yung nakapula.” Iritableng sabi niya.

“Wow! She’s hot, Pare! Paanong nangyaring nagtransform yan ng ganyan? I mean, maganda na siya noon pa, pero look at her now, ang sexy.”

“She should not wear those clothes.”

Napaubo kunwari si Cyrus. “Aba! Kailan pa naging issue kay Claude Anton ang isinusuot ng isang babae? Lalo na at ganyan ka sexy?” Asar niya.

“She’s my employee.”

“So? Teka.” Agad na umalis si Cyrus sa tabi niya, nilapitan nito si Charlotte kasama ang mga kaibigan.

“Hi!” Bati nito sa kanila. Agad na napatingin ang grupo kay Cyrus. Napakunot noo si Charlotte, parang kilala niya ito.

“Charlotte Tamayo, right?” Nakangiting tanong nito, lumabas tuloy ang mga dimples ni Cyrus. Dun ito nakilala ng dalaga.

“Cyrus! Cyrus na kaklase ko nung high school?”

“Yes!”

“Wow! Ang galing, how are you? By the way these are my friends.” Ipinakilala nito ang mga kasama, kinikilig naman sina Imee at Charina, sabagay, guwapo naman talaga ang binata.

“Enjoy your stay, kasama ko nga pala si Claude Anton.” Nakalapit naman sa kanila ang binata. Agad na nataranta ang mga kasamahan ni Charlotte, siyempre, anak ng boss nila ang nasa harap nila ngayon.

“good evening, Sir.” Sabay-sabay na bati ng mga ito.

Tango lamang ang ibinigay ni Claude Anton, kay Charlotte ito nakatingin.

“Sige, mamaya, pupuwede ka bang makakwentuhan, Charlotte?” Nakangiting tanong ni Cyrus.

“Oo naman! Sus! Ikaw pa, I’m sure marami tayong mapag-uusapan.”

“Nice! O sige, maiwan na muna naming kayo ha. Inaantay naming si JC, you know him, right? Magugulat iyon kapag nakita ka.” Natatawa si Cyrus sa hitsura ni Claude Anton.  Nakasimangot itong tinitignan ang ayos ng dati nilang kaklase na ngayon ay empleyado na pala nito. Mukhang interesanteng pag-usapan si Charlotte Tamayo.

“Sure! Pag dumating si JC, sabihin mo sa akin. I’m sure super guwapo na yun ngayon!” She giggled! Sa tatlo, ito ang pinaka malakas ang dating, aminado siya dun, pero si Antonio pa rin ang pinakaguwapo at pinaka nagka crush siya.

“Oo ba! Pupunta kami sa table ninyo.” Dagdag pa ni Cyrus.

“And he’s married.” Malakas na sabi ni Claude Anton. Hoping that Charly could hear it, just in case she’s planning to flirt with JC. Napahalakhak tuloy si Cyrus, napailing.

“Gotcha, Claude!”

*******************

-Xian-

Crush BackWhere stories live. Discover now