Chapter 15: Birthday

Start from the beginning
                                    

Natawa naman sila Mommy at Daddy.

"Okay. Bye Paulheen." nangaasar na sambit ni Kuya kay Paulheen.

"Okay ka na ba? Layas." dagdag ni Kuya.

Mabuti nalang at di yun narinig ni Pau kundi magaaway na naman sila.

Parang pamilya na din ang naging turing namin kay Paulheen. Siya ba naman ang bestfriend ko since birth. Hays. Kaya parang anak na din siya nila Mommy.

Ilang araw din ang lumipas ng pagsstay ko dito sa Pilipinas. Balak ko ngang mag-stay dito ng isang buwan. Namiss ko din kasi talaga yung Pinas.

Yung ingay sa bahay. Lahat.

"Love, sorry di ako makakapunta diyan sa bahay niyo. May lakad kasi kami nila Mama eh. Hindi ko naman matanggihan." pageexplain ni William sakin sa phone.

"Okay lang pero bisitahin mo ko sa susunod ha? Ang tagal na nating hindi nagkikita."

"Of course. Bibisita ako. Kaso tingin ko matatagalan pa. Okay lang ba yun?"

"Its fine.. Magiingat ka." i tried to sound na masaya ako sa sinabi niya.

Boyfriend ko nga siya pero parang bestfriend pa din kami. Hay.

"Thank you! Bye! Tawag na ko." paalam niya at agad na binaba ang tawag.

Natulala naman ako ng saglit pag kababa niya sa tawag. Napabuntong hininga nalang ako.

Shocks di naman siya nangbabae noh?

Natigilan ako nang biglang may tumawag uli sakin.

"Hello Pau..?"

"Punta ka dito sa bahay! Hihi birthday ni Jimin. Please?"

"Birthday niya? Shit, sorry di ko alam."

"It's fine. Punta ka ha?"

"Hatdog. Charot."

"Do i need to buy a gift or somethin?" dagdag ko.

"It's okay.. Ano ka ba. Take your time ket matagalan ka pa. Pinapaalala ko lang naman."

"Okay. Buti naman di kailangan ng gift. Char. Next time nalang ako bibili. Bye na." paalam ko at binaba na ang tawag.

Naligo na agad ako. Nagsuot lang ako ng dark yellow off shoulder at fitted jeans. Tinali ko din ang buhok ko ng pony tail at naglagay ng kaunting make up atsaka nagsuot ng heels.

Maliit lang na bag ang dinala ko para hindi panget tignan.

"Alis po muna ko My." paalam ko kay Mommy at tsaka umalis na.

Hiniram ko muna ang sasakyan ni Kuya. Since wala naman dito yung sasakyan ko. Bibili nalang ako kung matagalan na ang stay ko dito sa Pinas.

Ilang minuto din ay nakadating na ko sa condo nila. Agad sumalubong sakin ay si Paulheen.

"Oh shit a-ang bilis mo n-naman." sambit niya sakin na parang gulat na gulat siya sa pagdating ko.

Ayaw niya bang nandito ako? Gosh. Siya nagyaya sakin tapos ganyan? Hays.

"By the way where's Mina?" tanong ko at marahan siyang tinulak paalis sa pinto dahil nakaharang siya.

Agad akong pumasok sa condo niya at natigilan sa nakita ko. Para akong naestatwa sa gulat sa nakita ko.

Nakaupo ang buong BTS sa may lamesa habang naguusap.

Bakit nandito sila lahat?! A-akala ko ba kami kami lang?!

Napalunok naman ako at na napatingin kay Jungkook. Halatang nagulat din siya sa pagdating ko.

"Kaye! Nandito ka pala! Upo ka muna." sambit ni J-hope at kumuha ng upuan para sakin.

I think he's trying to make our atmosphere less awkward. "U-uh thanks.."

"By the way, Happy birthday Jimin. Sorry kung wala akong nadalang regalo. Bigla lang kasing tumawag si Pau." i explained to avoid the awkwardness.

Shit Kaye, maging mature ka okay? Wag ka papaapekto. Birthday toh ni Jimin, hindi reunion ng ex niyo part two.

"It's fine. Don't worry." sambit ni Jimin at nginitian ako na parang mawawala na ang mata niya.

"Ikaw ba yan? You look different." gulat na sambit Taehyung habang nakatitig sakin.

Kilala niya ko?

"I mean! Ibang iba yung itsura mo nung high school. You look more matured and elegant now." sambit niya at nginitian ako.

"Thanks." sambit ko at nginitian siya pabalik.

Marahas naman akong napatingin kay Paulheen na patagong nag peace sign sakin. Sinamaan ko naman siya lalo ng tingin.

Bakit di niya agad sinabi? Fuck.

Mabuti nalang at naguusap silang lahat kaya hindi ganon kaawkward.

Napatingin naman ako kay Jungkook na tahimik lang na umiinom ng soju. Pag napapatingin ako sakanya ay agad siyang nagiiwas ng tingin.

"The cake is ready!" rinig kong sigaw ng isang babae.

Natigilan naman ako nang marealize na pamilyar yun.p

"Thank you for helping me to decorate this.."

"Wala yun. Ano ka ba."

Napalingon naman ako sakanilang dalawa.

Wait.. Rea..??

"Cindy.." bulong ko sa gulat.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now