***


May tatlong araw ang exam, at kada araw ay may tatlong subjects. Sa tuwing natatapos ang exam nila, nagtitipon ang mga estudyante sa library. Doon, tinutulungan sila ni Tammy na i-review ang mga subjects kung saan sila nahihirapan.

Nang ma-post ang picture ni Tammy sa forum, kaagad na pumunta ang mga taga-ibang sections sa classroom ni Tammy upang makinig sa lecture. Ngunit dahil sa dami ng mga estudyante ay hiniram nalang nila ang library.

Para sa librarian at assistant nito, isang milagro ang pagdating ng napakaraming estudyante sa library. Simula noong maitayo ang Pendleton High, ang library ang pinaka-iniiwasang lugar ng mga estudyante. Maliban nalang kung gusto nilang matulog. Popular lang ito tuwing gabi dahil sa ginagawang 'test of courage' ng ilang estudyante. Naniniwala ang iba na may multo rito.

Malawak ang library at may ilang bulto ng nagtataasang bookshelves na naglalaman ng hindi mabilang na mga libro. Ngunit kabaligtaran nito, walang estudyante ang pumapasok dito upang magbasa. Sa isang buong taon, hindi lumalagpas ng bente ang mga estudyante na nagpapagawa ng library's card.

Halos maiyak ang matandang librarian sa nasaksihang milagro. Mula noong nag-umpisa siyang magtrabaho rito, ngayon lang siya nakakita ng ganito karaming estudyante.

Lahat ng ito ay ipinagpapasalamat niya sa magandang estudyante na nagtuturo sa mga kaklase nito.

Nagpatuloy ang ganitong pattern hanggang sa matapos ang ikatlong araw ng exam. Nang lumabas ang resulta ng mga exams, nag-iyakan ang mga guro sa faculty room. Panay ang hagulgol nila dahil sa nangyari. Walang estudyante na bumagsak sa mga first years! Kahit na ang iba sa mga ito ay pasang-awa pero para sa kanila ay isa itong milagro!

Ito ang Pendleton High, lugar na naging tapunan ng mga pasaway na estudyante. Mga estudyante na sinukuan ng ibang paaralan. Mga estudyante na walang pag-asa. Ngunit ngayon, ang mga estudyanteng ito ay ibinigay ang lahat para pumasa sa exam.

Ang balitang ito ay yumanig sa buong paaralan. Dahil sa nangyari, tinaasan ng Chairman ang budget para sa gagawing school festival.


***


Kung gaano naman kasaya ang mga guro sa faculty, ganoon naman kadilim ang enerhiya na mararamdaman sa loob ng silid ng class 1-A. Pinag-uusapan nila ang gagawin para sa school festival. Hindi pa nila napag-desisyunan kung ano'ng klase ang booth na gagawin nila.

Lahat ng mga kalalakihan ay gustong mag-enjoy sa pag-aayos kasama ang King nila pero...

"Kaya sinasabi ko ngayon na hindi natin dapat pagurin si Tammy. Isipin nyo nalang ang pagod na ginawa niya para turuan tayong lahat," paliwanag ni Lizel sa mga kaklase.

"Tama. Kailangan natin pagpahingahin si Tammy! Hindi siya pwedeng kumilos," segunda ni Cami.

Kaninang umaga, nakita ulit nila na hindi maganda ang pakiramdam ni Tammy. Nalaman nila na dahil iyon sa 'bisita' nito ngayong buwan. Nagkataon na bukas na ang umpisa ng pag-aayos para sa school festival. Hindi maaaring gumalaw si Tammy.

"Walang problema, pero ito ba ang gusto ni Tammy?" tanong ni Sid sa mga babae.

Nag-tinginan sina Helga, Cami, Lizel at Fatima. Hindi nila basta pwedeng sabihin na 'meron' si Tammy. Kapag sinabi nila ito, siguradong makakaabot ito sa forum at baka kung ano ang mangyari. At ang isa pa, hindi naman talaga nila dapat na sinasabi sa mga lalaki ang tungkol doon.

High School ZeroWhere stories live. Discover now