Bitten - Chapter 1

300 25 49
                                    

(Warning: Ang chapter at ang buong storya na ito ay puno ng mga bad words, so kung ayaw niyong mabahiran ang inyong pagka-inosente better skip this story. You've been warned)

***
Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang munting kaguluhan sa may bandang gilid ng kalsada. Papunta kasi ako sa school at naglalakad lang habang suot ang earphone sa magkabilang tenga. May mangilan-ilan na nagkukumpulan, para bang nagtataka sila sa kung anong nangyayari. Napailing na lang ako at naglakad na paalis doon. Ang aga aga pa para magchismisan e.

Everyday discovering something brand new. I'm inlove with your body—’
Napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa kabilang earphone ko para tanggalin ito. Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw na iyon. Isang palahaw na sigaw at halata ang sakit na dinaranas kung sino man ‘yon.

'Anong nangyayari?'

Takang tanong ko habang nakatigil na sa paglalakad at nakatingin sa kumpol ng tao na nadaanan ko kanina. Laking gulat ko nang magsitakbuhan sila. Bakas ang takot sa mga mukha nila na para bang mas makakabuting tumakbo na lang sila paalis doon.

“Ate, ano pong nangyayari?” Tanong ko sa babaeng tumatakbo sa direksyon ko na galing doon.

“H-hindi ko alam. T-tumakbo ka na lang din.”

“Teka...” Hindi pa ako natatapos sa sasabihin ay tinabing niya agad ang kamay ko at nagtatakbo paalis nang walang lingon.

Napalingon ulit ako roon at laking gulat ko nang makita ang isang babaeng nangingisay, suot ang uniporme nitong kapareha ng sa ‘kin. Dumudugo ang kanang kamay niya! Napatigil ako nang makitang sinunggaban siya ng lalaki. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Masyado siyang aggressive at parang nauulol na ewan. Nagtataka ako dahil wala man lang gustong tumulong sa babae. Nagdadalawang isip na rin ako kung tutulungan at lalapitan ba siya o hindi.

Nakakabinging sigawan at iyakan na ang naririnig ko mula sa kanang bahagi. Sa subdivision namin iyon galing.

“A-ano bang nangyayari?”

Nagtatakbuhan na rin kung saan-saan ang mga tao. Biglang nanlaki ang mata ko nang makitang may humahabol sa kanila!

Tao, pero nakagapang ang mga ito. Namumula ang mga mata at mabilis tumakbo—hindi ko maintindihan kung bakit ganoon sila?

“Ano pang ginagawa mo riyan? Takbo na!”

Namalayan ko na lang na hinihila na ako ng isang lalaki. Hindi ko alam kung saan ako matatakot, kilala ang lalaking ito bilang tambay sa dinaraanan kong tindahan at may sabi-sabing mga adik daw ang tropang kinabibilangan niya. Napalingon ako sa likuran. Kita ko ang mga naghahabulan.

“B-bakit?” Utal na tanong ko at hindi makapaniwalang naluluha dahil sa nasaksihan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang ilang tao. Gumagapang sila. Mukha silang bumalik sa pagkabata na naglalakad gamit ang mga paa at kamay. Namumula ang mga mata at para silang wala sa sarili, bukod pa roon ay agresibo rin sila.

Lumiko kami sa isang eskinita na kahit kailan ay hindi ko pa napupuntahan. Unti-unti kaming tumigil sa pagtakbo habang habol-hininga niyang kinuha ang cellphone at nag-dial doon.

“Puta. Nasa'n kayo? Tangina. Alam niyo na ba?” Puro mura ang naririnig ko pero hindi na lang ako umimik bagkus ay napahawak na lang sa dibdib kong sobra ang bilis ng pagpintig.

“Oo, hindi ko alam kung anong nangyayari. Nandito kami sa baranggay hall. Bilisan mo bago pa sila tuluyang dumami. Tangina ang bilis nilang gumapang.” Rinig kong sagot ng kausap niya mula sa kabilang linya. Napamura muna siya bago ibinulsa ang cellphone niya at hinila ako ulit. Wala akong pagpipilian kundi ang sumama at magpatangay sa kan’ya. Tingin ko naman ay iniligtas niya ako sa pwedeng mangyari sa ‘kin kanina.

BittenWhere stories live. Discover now