11th: Stygian SKY

Start from the beginning
                                    

Nag tawanan naman muli sila sa sagot ko.

Ugh! Basta talaga tungkol sa lalaki ang gagaling ng mga to, lalo na kung mangaasar.

Nakarating na kami sa cafeteria pero hindi parin nila ako tinitigilan. Dumiretso ang apat sa pinakagitnang mesa kung saan kami usually pumepwesto. Wala na rin akong nagawa kundi ang umupo at mag hintay tulad nila.

Ilang minutong pag hihintay at dumating na ang ilan sa Stygians. Apat lang sila at tulad nga ng inaasahan at gusto kong mangyari ay wala rito ang king na iyon. Pero agad paring bumigat ang pakiramdam ko sa paligid dahil halata ang pag tahimik ng apat. Naging seryoso ang mukha nina Brynn at Vienna, naging blanko rin ang expresyon ni Ariia, at si Vivienne naman wala ring emosyong tinitignan ang mukha ng bawat isang pumupwesto sa kanilang mga upuan.

I thought they're not that harmful? Why are they raising their guards this high now? Tsk. This girls!

"Kanina pa kayo dito?" Tanong ni Traze na kakaupo lang. Medyo nahuli ito sa pag dating dahil galing siya sa counter.

"No, mga ilang minuto lang naman" pilit akong ngumiti rito at tumingin sa mga bagong dating na Stygians.

"Hi girls, " biglang upo sa harap namin ng makulit na lalaki na nag inis kay Traze kanina sa Shoe corner,  na may pataas taas pa ng kilay. He's Zayd, if I'm not mistaken.

Walang nag salita sa amin at tinignan lang namin ito.

"Zayd Real your most handsome officer" iniabot nito ang kaniyang kamay pero walang tumanggap nito.

Damn, this is so awkward!

"Kilala ka namin Mr. Real" pilit na ngiti at tila nang iinsulto na sabi ni Vivienne dito na mahinang ikinatawa ng mga kaibigan ni Zayd.

Agad na binatukan naman siya ng lalaking nakaupo sa tabi niya. " Manahimik ka nalang kasi, You're in front of these Prima Donnas " Masungit nitong sabi.

Lahat kami ay nananahimik lang at nag papakiramdaman habang nag hihintay ng pag kain namin.

Hindi ko na kaya pang tiisin ang pag titinginan lang nila. Ugh! Nakakairita!

Mag sasalita na sana ako para kausapin si Traze ay biglang muling nag salita si Zayd.

"Oh, oh... What's up? " tanong nito sa dalawang lalaking bagong dating. Para naman akong sinasakal sa kinauupuan ko ng makita ang lalaking inaayos ang upuan sa head ng table.

What the f*ck is he doing here? Why is he here?

Napalingon ako sa apat na babaeng kasama ko pero nag tinginan lang rin sila at nag kibit balikat.

"Himala, sasabay kayo ngayon" sambit ng lalaking nakaupo sa tapat ni Ariia. Hindi ko pa pala alam ang mga pangalan nila.

"For a change" simpleng sagot ng kasama ni King na dumating samantalang siya naman ay naupo lang at nag iwas ng tingin sa aming lahat at hindi kumibo.

He's so cold, and really not the approachable type of a person. Very intimidating and mysterious. 

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya ng maramdaman ko ang pag sagi sa akin ni Ariia. Naalis ko na rin ng tuluyan ang atensyon ko sa kaniya ng dumating ang mga pagkain namin.

Ang dami nito. Masyadong marami ito para sa amin. Napatingin ako kay Traze at ngumiti lang ito sa akin. Ngumiti nalang ako ng pilit pabalik sa kaniya para maitago ko ang sobrang kaba ko na nabubuo ngayon sa loob ko.

Sh*t, it's so hard to move!

Nag simula ng kumain ang mga kasama ko, hindi naman ako makagalaw ng maayos dahil pakiramdam ko ay may nanunuod sa mga galaw ko. Napalingon ako sa dulo ng table at nakita siya na nakatingin ng diretso sa akin kaya nag panggap nalang ako na napadaan lang ang tingin ko sa gawi niya.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now