11th: Stygian SKY

Start from the beginning
                                    

"Sure! " sabay sabay nilang sagot habang nakangiti ng malaki kay Traze.

"Well then, mauna na kayo sa cafeteria, I'll call the Stygians, my treat. " Hindi pa man ako nakakapagreact sa sagot ng apat kay Traze ay mabilis ring umalis si Traze ng sabihin niya iyan.

What the hell? I can feel my heart. It's so loud!

"What the hell was that? Bakit kayo pumayag na sumabay tayo sa kanila? Kayo na ang nag sabi sa akin. Pinakamataas na grupo, kinakatakutan-..."

"Hey, chill. They are the Stygian, not the Rebels" ngising sambit ni Brynn na may kasama pang pag irap.

"Tsaka minsan lang kaya na may mag aya na pwedeng sumabay sa kanila. They don't usually do that. Well, they invite some girls to their table, pero kapag wala si King. Kaya kung kinakatakot mong makakasabay natin si King sa lunch, wag ka nang kabahan. He doesn't usually go when he knows that there will be strangers on his table" mahabang paliwanag naman ni Vivienne para pagaanin ang loob ko.

Medyo nakahinga naman ako ng maayos marinig ko na imposibleng makasabay ko ang king na iyon sa lunch.

Saglit akong natahimik pero agad rin akong nabalik sa realidad ng maramdaman ko ang pag hampas ni Ariia sa balikat ko. "Hoy babae! Hindi mo naman sinabi na dinedate ka pala ni Traze! " Excited na sambit nito sa akin. Tuwang tuwa ang mukha nito habang patuloy lang sa pag hampas ng mahihina sa akin.

"Date?! Hindi niya ako dinedate no? Pag magkasama nag dedate agad?" Depensa ko rito  na ikinailing iling niya naman para ipakitang hindi siya sang-ayon.

Ano bang nakain ng mga to at parang mga baliw, kung makangiti wagas. Kulang nalang mapunit ang mga labi nila sa kakangiti. Pati na rin itong si Brynn at Vienna na dati pangisi ngisi lang, ngayon ngiting ngiti rin.

Sinusubukan kong ibalewala nalang ang pang aasar nilang apat sa akin habang nag lalakad kami papuntang cafeteria. Sinusubukan ko ring pigilan ang pag punta namin sa cafeteria dahil hindi ako gaanong komportable kapag naiisip ko na sasabay kaming kumain kasama ang isang grupo ng mga lalaki, at dagdag pa dyan ay sila ang students council at sila ang pinakamataas at pinakakinakatakutang grupo dito.

I just want a low profile! I don't want to get noticed. Damn it!

"Ano bang ginagawa ng nag dedate? " Napatingin ako kay Brynn ng bigla itong nag salita ng seryoso ang tono ng boses niya sa gitna ng pang aasar nila sa akin

"E-wan ko, I've never been on a date" simpleng kibit balikat ko rito at agad na nag iwas ng tingin dahil nag simula na naman itong ngumiti tulad ng ginagawang pag ngiti ng tatlo

"Ginagawa ng nag dedate? " tanong ni Vienna sa kaniyang sarili "as far as I know, ang ginagawa ng nag dedate ay nag iikot ikot, kumakain, nag uusap tungkol sa kung ano ano, or in short, getting to know each other" tuloy nito. Napatawa naman sila ng mahina sa sinabi ni Vienna at binigyan ako ng nagtatanong na tingin kung anong ginawa namin.

Nako! Ang dami talagang alam ng babaeng to. P-pero, ganon ba talaga ang nag dedate? Does I and Traze really did have a date?

Hell! Of course not! Ano ba tong iniisip ko?! Nababaliw na rin ata ako!

"Ahm, Kierra, ano nga ulit yung ginawa niyo ni Mr. Quindara?" Mapang asar na tanong ni Vivienne. Natawa naman sila sa tanong ni Vivienne at lalo pang natawa ng natagalan ako bago mag salita.

Sh*t! Their words are so tricky!

"Ah na-nag," ugh! The things that Vienna said, that's exactly what Traze and I did! "... B-basta, hindi kami nag date! " hindi ko na alam ang sasabihin ko, ni hindi ko nga alam kung nag date nga ba kami ni Traze.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now