Kabanata 21

Depuis le début
                                    

Nanahimik lang ako at naalala ko kanina nung magising ako mula sa pagbabalik ko sa nakaraaan. Hindi ko na namalayan nun na umiiyak pala ako. At hindi ko rin napansin na kinakausap na pala ako ni Terrence.

“Talaga?” tinawanan ko ang sarili ko. “Isa ka rin pala sa kanila. Madali niyong nakikita ang sakit na nararamdaman ko.” sabi ko sa kanya.

Kagaya nila Lolo at Nanay Linda, nakikita rin ni Terrence ang mga tinatago ko lang at dapat ay ako lang ang nakakaalam. Hindi umeepekto sa kanila ang pagtatago ko ng mga nararamdaman ko. Nito ko lang nakilala si Terrence pero nagagawa na niyang basahin ang mga emosyon ko. Paano nila iyon nagagawa? Bakit ako ay hindi ko iyon kaya? Simpleng pagsisinungaling lang kasi ng isang tao, hindi ko pa mahalata.

“Halata naman kasi.” Sabi niya. “Now, answer my question.” Naalala ko ang tanong niya kanina lang.

Gaano ko nga ba kamahal si Vincent? Ilang taon na mula nung minahal ko siya. At hanggang ngayon, sa tuwing makikita ko siya, wala pa ring nabago. Parang palaging first time. I am falling in love with him over and over again. Paulit ulit na nahuhulog ang puso ko sa kanya. Kahit na iwasan ko, kahit na anong kontrol ko sa sarili ko, hindi ko pa rin maiwasang mahulog.

“Sa tingin mo?” balik tanong ko sa kanya. Tiningnan ko siya at sumalubong sa akin ang madidilim na mata at nakakunot na kilay niya.

Umayos siya ng upo at humarap sa akin. Tumutig siya sa mga mata ko kaya naman nailang ako.

“Nasasaktan lang naman tayo dahil sa mga taong mahal natin. 'Pag sobrang mahal mo, sobra rin ang sakit.” Aniya.

Napangiti ako at tinuro ang sarili ko. “At nung nakita mo ako kanina, nakita mo ba kung gaanong sakit ang naramdaman ko?” tanong ko sa kanya. I can’t answer his question. Or maybe, I just don’t want to answer it. Kaya gusto kong siya nalang ang sumagot sa sarili niyang tanong.

Umiwas siya ng tingin sa akin. Tumitig siya sa boteng hawak niya. Dumiin ang hawak niya roon dahilan para lumabas ang ugat ng pulsuhan niya. Nanibago ako sa ginawa niya kaya naman nagtataka akong tumingin sa kanya. Sa itsura ng paghawak niya sa bote, parang may pinipigilan siya.

“I saw too much pain, Ella. I can almost feel it…” bulong niya.

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nakita ko ang pag-igting ng bagang niya. Naninigas din ang panga niya.

“You love him too much.” Malamig na sabi niya nang hindi manlang ako tinitingnan. Nakaharap siya sa hawak na alak habang mariing pumikit.

Napalunok ako. Tama ang sinabi ni Terrence. Sobra sobra ang pagmamahal ko kay Vincent kaya sobra sobra rin ang sakit na nararamdaman ko. At kahit sobra sobra na ang sakit, hindi ko pa rin kayang magalit ng tuluyan sa kanya. Humahantong pa rin ako sa pagpapatawad at mamahalin ko ulit siya. Now, how can I explain this kind of love? Mahirap na. Wala nang eksplenasyong kayang pumantay rito.

“Alam mo…” napangiti ako sa naisip ko. “Para akong paulit ulit na nahuhulog sa isang bangin.” Tiningnan niya ako nang may pagtataka sa mukha. “Kahit anong kapit ko, kahit anong pilit ko na iligtas ang sarili ko, wala akong magawa. I just can’t help myself from falling. Mahuhulog at mahuhulog pa rin ako. At alam mo ang mas nakakainis, Terrence, ang lalim. Nahulog ako at ang lalim. Mahirap nang bumalik sa pinaggalingan ko.” Lumunok ako nang maramdaman ang pamamasa ng mga mata ko.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant