Boy 13

17 1 0
                                    

----------

Naglalakad ako ngayon dahil super boring. Galing lang ako sa cafe ni daddy kung saan nagpapart-time job si Jane every weekend. Akalain mo yun? Kay liit nga naman ng mundo.

Papunta nga pala akong school nang mapansin kong may bumusina sa likod ko kaya lumingon ako baka mag-offer pa ng ride. Sayang eh 'di kasi ako nainform na mainit pala ngayon.

"Kem! Ba't ka naglalakad?" Oh? Si pareng Jake pala ito. Keh gara talaga nito laging naka-kotse. Tssss. Polluted na po ang Manila dinagdagan pa niya. Hayyy buti pa ako.

"Bakit? Mukha ba'kong gumagapang?" Napapoker face kaagad si Jake.

"Seryoso?"

"Ampupu men yung tanong mo hindi seryoso. Sa'n ba punta mo?" Tanong ko nalang.

"Sa pupuntahan."

"Edi ikaw na bro. Tssss paaralan ba? Sasakay ako ah!" Dali-dali kong binuksan yung pintuan ng sasakyan. Baka magbago pa isip nitong mokong na'to, delikado baka madehydrate ako. Mawawalan na naman ng gwapo dito sa Pilipinas.

Whooo! Aircoooooon!!!

"Yak! Baho mo Kem!" Reklamo niya sabay hagis ng deodorant. Ang OA nito ampsh. Pinakamabango ako sa sweat state ko!

Nagpapahid ako ng deodorant nang may naalala ako. "Nga pala Jake. Bakit ka pupuntang school?" As far as I remember nakatop-two siya which means walang school service. Tawang-tawa pa nga ako nung sobrang badtrip yung mukha niya dahil isang decimal point lang yung gap nila ni Gabriel, yung nakatop-one.

"Bumagsak kasi si Dreigh sa general math nila." Pfft hahahaha mukha bang may magbabago sa balitang iyan?

"Tutulungan mo siya ganun? Uyyyyy power of love ba itey? Ikaw ah! Kailan kasal?" Biro ko.

"Tch." Hahahaha suplado talaga nito. "Ikaw? Ba't ka pupuntang school? Nandun naman si tito sa cafe ninyo ah?" Medyo nagulat ako sa tanong niya pero nakabawi naman. Pagtrip-an ko kaya ito?

"Jake, 'di ko alam na sino-stalk mo pala si daddy. Anong balak mo hah!"

"Seriously, Kem! Napadaan lang ako kanina." Tssss oo na ang KJ nito eh. Sumandal ako pabalik sa upuan. "Hindi mo pa sinagot ang tanong ko." Inalala ko naman ang mga tanong niya.

"Ahh ayun? Tutulungan ko future ko men haha." Napatingin siya sa'kin na may confused look. Ang bakla ah! Tinuro ko yung nasa harapan namin.

"Siya?!"

"Ugh! Jake! Papatayin mo ba'ko?! Ba't ka ba biglang huminto?" Sermon ko. Whooo ini-scan ko yung katawan ko kung may masakit ba, buti wala namang kahina-hinala.

"Sorry. Pero seryoso, siya?" Sirang plaka? Paulit-ulit?

"Oo men, my future. *wink* ge! Laters!" Paalam ko bago ko binuksan ang pintuan at sinalubong si Jane ko ng big hug.

"Aaaaaaahhhhhh manyaaaaaak!!" Ooof masakit yun. Manyak? Sa gwapo kong 'to? Manyak?

"Dear Jane, hindi kaba nakaka-appreciate ng kagwapuhan?" Tanong ko sabay wink. Aba inirapan lang ako?

"Tsss tanong mo sa damo, Kem!" Sabi niya sabay turo sa mga damo. Awww ang cute. "Teka nga ba't ka ba nandito? Nakatop-five ka diba?" Uyyyy!

"Uyyyy ikaw Jane ah!" Tutuksuhin ko pa sana siya nang samaan niya ako ng tingin. Uwaaaaah ba't ba madaming KJ?! "Tutulungan kita malamang---"

"JDbiiiiiiihhh!!! Oh? Keeeem!" Napalingon ako. Eh? Harvey?

"Oh Vey! Nandito ka rin?" I'm actually asking the obvious.

"Oo. Tinutulungan ko kasi si JDbih sa pag-lilinis. Tutulong ka rin? Eto oh." Sabi niya sabay bigay ng sako. Okay? Ako na first time mag-school service. Help!!! "Ilagay mo lang ang mga damong binubunot ni JDbih." Whooo! Buti naman sinabihan niya ako. Nakakahiya kayang magtanong.

"Deev!" Napalingon kami ni Vey sa tumawag. Deev? Teka Dreigh?

"Bakit po, ate?" Teka.. ATE?!

☆★☆★☆

Be well!!

S! V! C! ^-^

mikkgueella_sy

The Boy and The BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon