Boyish 5

32 3 5
                                    

----------

Isang linggo na ang nakalipas nung nahimatay ako sa music room. At talagang isang mataas na sermon ni Harvey ang naghintay sa'kin pagkagising ko.

Isang linggo ko na ding hinahanap sa mata si Midorima--I mean si kamukha para magpasalamat dahil siya daw yung nagdala sa'kin sa clinic sabi ni Vey. But then, I failed. Hindi ko talaga siya mahanap eh kaya ayun surrender lang ang peg ko ngayon.

At hindi magpapahuli ang pangungulit sa'kin ng isang--teka, ano nga iyong pangalan nun? Sensya na makakalimutin talaga ako sa mga pangalan eh hehe.

And... speaking of, papunta siya sa direksyon ko kaya lumiko ako sa right side ko na papuntang girl's CR. "Jane!" Narinig kong sigaw niya bago ako makapasok. Whew! Muntik na yun.

Actually, he's kind'a friendly pero makulit siya and ayaw ko ng makulit. Tama nang si Harvey lang ang makulit na laging dumidikit sa akin ano. Hindi ko na kayang may madagdag pa.

Kung nagtatanong kayo kung bakit niya ako kinukulit aba'y sa kanya kayo magtanong. Nagsimula lang naman yun nung nakabangga ko siya at nahulog yung dala kong gamit. And as usual, nagsorry siya, tinulungan niya akong pulutin yung mga gamit ko, nang magthank you ako ay nagwink siya and as usual for me na reaction ko sa mga kindat ay irap. And then after that morning, he kept bothering me dahil gusto niya akong maging kaibigan. Pero sorry siya ayaw ko sa mga makukulit. Hmf.

Mahigit dalawampung minuto din ako nagstay dito sa CR. Hindi ako nagbawas, nagbabasa ako ng notes ko dahil baka magsu-surprise test na naman yung maarteng prof namin mamaya. Ayaw ko pa naman makinig dun, no choice naman ako dahil sabi nila kuripot daw siya magbigay ng grado. Amf.

Nagdesisyon na din akong lumabas nang malapit ko nang matapos yung pagrereview ko. Siguro naman wala na si.....ahhhhh aish nakalimutan ko talaga yung pangalan niya eh. Oh well, 'di naman yun importante eh.

Binuksan ko na yung pinto sa CR. Lumilinga-linga muna ako kung naghihintay pa ba si K-K-Kom? Kam? Kum? Kim? Kem? KEM! Yun haha nakuha ko rin. Kem yung tawag nila sa kanya. Napag-isip isip ko kung bakit hindi naging Kim yun haha well, whatevs.

Lumabas na ako sa CR at nagsimula nang maglakad papuntang stairs. "JANE!" Literal na nanlaki yung mata kong may pagkachinita nang marinig ang boses ni Kem. Geez kailan ba niya ako tantanan?

Dali-dali akong tumakbo sa stairs papunta sa room ko na nasa ikatlong palapag at ako po'y papataas pa sa ikalawang palapag.

Muntikan na akong matumba nang may nakasalubong akong hinihingal. "So--Jane!" Napagaan yung pakiramdam kong si Harvey lang pala yung nakasalubong ko. Pero kinakabahan ako nang 'Jane' yung tinawag niya sa akin. Kung tatawagin niya kasi akong ganyan eh seryosong seryoso siya.

"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"S-si *inhale* *exhale* Jennah *exhale*" Si Jennah? Anong nangyari sa kanya?

"A-anong tungkol kay Jennah?" Hindi na ako mapakali parang ramdam kong may hindi magandang nangyari.

"Nasagasaan."

"Nasagasaan.."

"Nasagasaan..."

"Nasagasaan..."

"S-saang ospital, Harvey? Dalhin mo'ko ng-ngayon na!" Hindi mapakali kong sigaw sa kanya. Napahawak naman siya sa kamay ko at hinila palabas ng school papunta sa ospital.

Please Lord, kahit atakihin man ako sa puso ngayon, huwag lang ko Pong makita si Jennah na nasa kritikal na kondisyon. Mahal na mahal ko Po yun kahit masungit yun at pinagseselosan ko sa height.

Kahit minamadali namin ni Harvey yung driver sa taxi ay matiwasay naman kaming nakarating sa ospital. Takbo-lakad ang ginagawa namin ni Harvey papuntang emergency room. Sakto namang pag-abot namin ay lumabas yung doktor. Tumayo naman sila mama at papa pagkalabas nung doktor.

"Stable na po yung kondisyon niya pero yung parte ng katawan niya na may malaking impact mula sa pagtama sa poste ay yung parte kung saan matatagpuan ang kanyang liver. Kailangan niya ng donor sa lalong madaling panahon para hindi maging kritikal yung kondisyon niya." Biglang nahimatay si mama sa narinig pero agad din namang nasalo ni papa at pinaypayan. Ako nama'y namanhid yung mga paa ko sa narinig ko buti't nasalo ako ni Harvey.

"B-bakit *hik* siya *hik*pa, Vey?" Umiiyak kong tanong. Gagamitin ko yung pera ko para sa paghahanap ng donor kahit hindi man ako makapag-aral basta para kay Jennah gagawin ko lahat.

Pinaupo ako ni Harvey at pinasandal sa kanyang balikat. Alam kong nasasaktan din siya pero ayaw lang niya itong ipakita. Umiyak lang ako nang umiyak sa makatulog ako sa mga bisig ni Harvey

☆★☆★☆

Be well!!

S! V! C! ^-^

mikkgueella_sy

The Boy and The BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon