Boyish 12

8 1 0
                                    

-------

Friday na at ngayon na ipopost ang ranking. So baleh nag-aassume na ako na within the top 10 ako. Okeh I know super hambog ko pero kinompyut ko na iyon at nasa mga top 9-10 lang ako makakapasok hahaha. Kaya heto ako't papunta sa school board nang patapos na ang lahat ng klase dahil wala nang masyadong mga estudyanteng pumupunta dun lalo na't nung lunch pa napost yung ranking.

Nasa may hallway na ako nang magkasalubong kami ni Jake. Napansin kong medyo badtrip yung mukha niya pero nag-iba yun pagkakita niya sa'kin. Naramdaman kong nag-smirk siya nang dumaan na siya sa gilid ko. Tss, ano na namang problema nun? NAKAKA-INTIMIDATE AH!

Tinuloy ko nalang ang paglalakad ko papuntang school board. Hinanap ko muna yung business management course para tingnan yung rank ni Harvey at buti naman naka-ten toh. At dahil good mood ako ngayon, tiningnan ko yung sa arts and design na ranking at hinanap ang pangalan ni Kem. Nakakaproud hah top-five pala ang isang 'to.

Oh well, hinanap ko na yung accountancy ranking dahil natatae na ako sa excitement eh.

*boogsh*

Literally nahulog lahat ng gamit ko pati balikat ko, kuto ko, utak ko nang makita ko na 1.512 ang grado ko which means hindi ako kasali sa top ten, which means GOODBYE SCHOLARSHIP, GOODBYE SCHOOL.

It's just a 0.01 difference for pete's sake!

"Ms. Alloña?"

"Ay, jusko mama!" Nagulat ako nang may tumawag sa'kin. Napatayo ako nang maayos nang makilala ko si Dean. Geez katapusan ko naaaaahhh!!! "Good afternoon po, Ms. Dean." At nag-bow ako for respect.

"Follow me, Ms. Alloña." Eh? This is the end~ hold your breath and count to ten~ feel the earth moving then-- "Ehem! Ms. Alloña?"

Napahinto ako sa pagkanta sa isip ko nang tawagin ako ni Dean. "Y-yes, Ms. Dean?"

"Are you with me?"

"Y-yes po."

"Now follow me."

------------

"Eh?? School service po?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes Ms. Alloña. This will be your first and last warning." Napatayo ako at nag-bow bilang pasalamat kay Ms. Dean. Pagkatapos kong mag-bow nang ilang beses ay tumingin ako kay Ms. Dean upang magpaalam na sana nang mapansin ko na slightly lumalaki yung mata niya. Bakit? May dumi ba ako sa mukha? May muta ba ako? Kakahiya naman. "Y-you didn't have to bow for that reason, or are you half-chinese?" Wahhhh compliment ba yun? Dahil para sa'kin compliment yun. Finally napansin nila ang chinita kong eyes.

"Ah. Haha hindi po. Nakasanayan ko na po ang gawing iyan simula pagkabata. Sige po, salamat ulit at uuwi na po ako." Nag-bow ulit ako one last time at lumakad na paalis sa office ni Ms. Dean.

Hayyyy... Problema solberaaaaa XDD

"JDbih! Saan ka galing? Kanina pa ako naghihintay dito. Pinag-alala mo'ko *pout*" Iyan agad ang salubong ni Vey sa'kin pagkarating ko sa school gate kung saan pin-ark ang bisikleta namin.

Pinisil ko ang cheeks ni Vey bago ko siya sinagot. "Muntik nang mawala scholarship ko Vey."

"ANO?!" Napatakip ako sa tenga ko sa sigaw niya. Ang OA ah! "I can not find any reasons for that matter, JDbih!"

"Char! Umi-ingles din 'tong pakwang 'to ah!" Binatukan ko nga siya. Ang baduy kaya. Nasa Pilipinas po tayo wala sa Estados Unidos char! Lalim haha.

"Pwera biro JDbih, imposible ata iyang sinasabi mo eh--teka nakuha mo na card mo?" Tumango ako at binigay sa kanya yung card ko. "Teka flat one naman---JOURNAL?! Eh panot pala yung teacher niyo binagsak ka? Bakeeeeet?!" Napansin ko lang bakit ang exagge nito ngayon? Batukan ko kaya ulit? Pero parang mas naging exagge pa siya pero hindi naman na siya sumisigaw. Aish wag na nga patulan!

"May galit yata yung Jake na yun sa'kin eh. Aist umuwi na nga tayo dahil may part-time job pa'ko sa inyo." In-unlock ko ang bisikleta at sumakay at pinedal.

"Pano na iyan JDbih, hindi ka na makakapag-aral dun?"

"Makakapag-aral pa din." I answered non-chalantly. Takte nakakahawa pala ang pag-iingles.

"Huh? Pa'no?" Ayaw pa din niyang huminto sa pagtatanong kahit nagmamaneho kuno kami.

"Binigyan ako ni Dean ng first and last warning kaya pinag-school service niya ako." Naramdaman kong napapatango siya sa sagot ko. Tumahimik naman siya after nun kaya tahimik kaming nakaabot sa cafe nila. Though hindi naman awkward ang atmosphere. Ewan ko lang sa katabi ko. 'Di kami share ng brain.

"JDbih. Nakalimutan mo na yatang pakulayan ang buhok mo?" Napatingin ako kay Vey sa sinabi niya. Oo nga ano?

"Saka nalang siguro Vey. Parang di ko kayang magtiwala sa compliment mo *belat*" Iniwan ko siya dung nakapoker-face at tumakbo papuntang dressing room baka awayin pa'ko nun.

"JDbih! Makakapaghiganti din ako!"  Narinig kong sigaw ni Vey sa labas ng dressing room.

"Tumahimik ka nga Harvey!" Napaalik-ik ako sa boses ni tito yung papa ni Vey.

Oops... Sorry Vey, lab naman kita eh hahaha.

☆★☆★☆

I am going to do my very best na mag-UD once a month if super busy ako pero since sembreak, susulitin ko na ang free time XDDD

Be well!!

S! V! C! ^-^

mikkgueella_sy

The Boy and The BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon