Boyish 2

52 4 2
                                    


----------

"JANE DEEVINE!"

"Ma naman bakit ba ayaw niyo? Alam niyong ayaw ko sa ganyan! Ako naman ang gagastos para sa sarili ko eh."

"Kung ayaw mo rin naman akong sundin eh lumayas ka--"

"Cecille!"

"Ano? Kakampihan mo na naman siya hah?"

Lumingon si papa sa akin at sinabing pumunta na daw ako sa kwarto ko.

Yung sigawan kanina ay dahil lang sa hayyyy.. nalaman kasi ni mama yung tungkol sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Eh sa ayaw ko talagang magtrabaho bilang regular na tutor. Gusto kong maging isang accountant pero iniinsist ni mama na huwag na daw kasi magkapareho lang yun. Edi ayun nakidlatan ako't nag-alburoto. Mas doble pa naman ang galit ni mama kapag nagalit ako. Ewan ko ba dun parang ayaw niyang makita akong magalit o di kaya ayaw lang niyang matalbugan.

"Jane, anak papasok si papa hah?" Nakadungaw si papa sa pinto habang nagsusquat ako sa higaan namin ni Jennah. Share kami eh 'lam niyo na poor we haha.

Tumango ako kay papa kaya lumakad siya papunta sa'kin at umupo sa may gilid ng higaan. "Gusto mo bang mag-aral sa kolehiyo?" Tumango ako. "Kahit hindi ka namin masusustentuhan?" Tumango na naman ako. "Napag-usapan na namin ng nanay mo ang tungkol dito at gusto namin kayong suportahan pero scholarship lang anak, ha? Yung kapatid mo rin gustong maging fashion designer kaya lang mahal talaga yun anak kaya ayun magpapaimpress nalang daw siya at ipasa ang kaniyang portfolio." Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni papa. Kaya lab na lab ko siya eh hihi. "Magiging okay na din yung mama mo bukas. Ikaw kasi alam mo namang diyan lang magagalit iyang mama mo 'pag nagalit ka edi ayun nangyari yung ano kanina."

"Hehe eh siya kasi pa. Sinabi niyang magkatulad lang ang accountancy at pagiging tutor. Hmf." Sabi ko na may boses ng pagtatampo.

"Baka naman iba yung ibig sabihin niya anak. Sige na anak matulog na kayo ni Jennah." Tapos lumakad na si papa palabas ng kwarto namin. Pumasok na din si Jennah.

"Ikaw hah ginalit mo si mama. Haha oh well may ipapakita ako sa'yo." At ayun ipinagyabang naman niya yung mga design niya which is worth it naman na ipagyabang.

----------

"Alloña." Pumasok ako nang tinawag yung pangalan ko. Nag-eenroll ako sa kasalukuyan. Kahapon ko nalaman na nakapasa ako sa Ninneveh University thru mail kaya nalaman ni mama na mag-aaral ako ng kolehiyo kasi siya ang nakabasa sa letter na nakapasa raw ako.

Nang makuha ko na yung kakailanganin ko sa pagpasok, yung schedule ko, map, etc. ay naglibot-libot muna ako sa napakalaking school na ito. Aba kakasya dito ang isang libong bahay namin sa laki nito ano.

Nang medyo nasaulo ko na iyong lugar eh nakalimutan ko iyong daan papuntang gate buti nalang may legend itong map na binigay nila. Nakita ko naman agad ang isang malaking gate pero hindi naman ito yung gate na pinasukan ko kanina, 'nubayan!

"Harujusko naman back gate pala 'to? Eh bakit naman hindi nila nilagay sa map yung front gate." Ok na sana eh yung back gate lang kasi nakalock. Paano na ako lalabas niyan?

Napahawak ako sa puso ko nang may kumalabit sa akin. Nemeeeen gusto ba nito akong patayin? "That way's the front gate." Tinuro naman niya yung map ko kung saan may oval tapos tinuro-turo niya yung papuntang front gate na wala naman.

"Salamat po!" Mukhang familiar itong lalaking 'to eh. 'San ko ba siya nakita? Nevertheless, makakauwi na rin ako. Nagugutom na kasi ako wala pa akong tanghalian.

----------

"JDbih saan nga yung paaralan na pinasukan mo?" Tanong ni Harvey. Nandito ako ngayon sa café na pinagmamay-arian nila Harvey na pinagtatrabahuan ko tuwing 4-7 pm.

"Bakit? Susundan mo na naman ako dun?" He smiled sheepishly at my question. Ano siya buntot? "Tsk. Ang OA mo Vey hah. Ako ba eh ilaw mo na lagi mong sinusundan? Bakit 'di mo sundan yung dakilang crush mo na kapatid ko? And don't tell me na mag-aaccountancy ka rin? Enough na yung senior high na magkapareho tayo ng track ano nakakasawa kaya yang pagmumukha mo. Amp."

"Huwag kang mag-alala JDbih business management yung kinuha ko. Sino naman ang mag-hahandle nitong business nila papa kung accountancy yung kukunin ko diba?"

"Buti naman kung ganon. At bakit ba JDbih ka ng JDbih para kang bakla diyan ano." Ewan ko ba diyan ayaw niya talagang baguhin iyang pagtawag niya ng ganyan sa akin. Napagkamalan pa naman kaming magnobyo't nobya. Ayaw ko namang suwayin siya dahil nako ayaw ko nang maulit yung time na halos isang tangke na ng luha yung iniyak niya buti napatahan ko.

"Ang cute ngang pakinggan eh. Sige ka iiyak ako." Inirapan ko nalang siya. Asa ka diyan pag nagwawarn siya eh hindi talaga niya yun magagawa siyempre dapat hindi pinipilit para non-stop haha. "Ah nga pala kailan ka magpapakulay sa buhok mo?" Tanong niya. Oo nga ano? Nakalimutan ko na ang tungkol dun. Sa mama din naman ni Vey ako magpapakulay. Libre kami dun eh haha napatino ko kaya si Vey simula nung nakilala niya ako. Walang-wala siya nung nakipag-away siya sa'kin kaya simula nun naging 'good example' na daw ako sa kanya lel.

"Siguro sa pasukan na. Nakakatamad kasi. Tiyaka sa tingin mo babagay sa'kin?" Tiningnan naman niya yung mukha ko at parang iniimagine na naging berde yung kulay ng buhok ko.

Nagthumbs-up siya sabay sabing. "Bagay na bagay JDbih." Tapos kinindatan niya ako. Yak bakla.

"Kailan ka magpapa-enroll Vey?"

"Hm baka sa susunod na linggo, bakit?"

"Wala lang. Walang topic eh." Esh wrong answer lalaki na naman ulo nito. At tama nga ako dahil naramdaman kong mas lumapit pa siya sa akin tapos sinundot-sundot yung tagiliran ko. Geez may kiliti ako diyan pero nako-controll ko pa naman.

"Iiiiiih gusto mo ba akong kausap JDbih? Iiiiihh *sundot* *sundot*" Sinamaan ko siya ng tingin at pinakita yung kamao kong handa nang manuntok.

"Baka make-up gusto mo?"

"Joke lang naman yun JDbih. 'Di na mabiro. Lab kita eeeeehh." Sabi niya sabay abot niya sa'kin para makayakap. Hayyyy kahit isip-bata at may pagkabading 'to eh mahal ko 'tong best friend ko. Ang nag-iisang Harvey Magoncillo, my only guy best friend and I could not ask for more from him.

☆★☆★☆

Name pronounciation: (dictionary type)
♧ Harvey Magoncillo \harvē magonsilyo\
♧ Vey \vē\

Be well!!

S! V! C! ^-^

mikkgueella_sy

The Boy and The BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon