"Ay hindi po!" Nangiti si Richard dahil sabay pa sila. Kung alam n'yo lang po. Ni first base malabong mangyari. Mamaya na siya mag-iisip. Medyo gulat pa rin siya.

"Sinasabi ko lang, huwag masyadong defensive. Para namang inaccuse na kayo ng krimen. Kalma lang. Ano pa bang magagawa namin e nasa edad na kayo. Karen, meron ka pang say?"

Hindi alam ni Nanay Karen kung ano'ng nangyayari. There must be more than meets the eye. Alam niyang hindi pa sinasagot ni Meng si Ricardo. Pero ayaw niyang mapahiya ang dalawa sa harap ng asawa niya. "Mag-uusap na lang kami mamaya. Girls talk. Teka, kailan ba balak n'yong pakasal?"

"Next month po." "Next year po Nay."

Nagkatinginan ang 'magnobyo', one more time. "In two months po." "After six months po Tay." Nandidilat na ang mga mata ni Meng. Hindi sila prepared sa mga detalye. Dito pa yata sila mabubuko.

"O hindi pa synchronized sagot n'yo."

"Ah, Nanay Karen, okay lang po ba na i-update na lang po namin kayo sa ibang detalye? Hindi pa po kasi namin napapag-usapan dahil hindi ko po inexpect na papayag na si Menggay. Kayo po kasi inaalala niya. Diba mahal?" Sinubukan niyang kumindat, pero waley.

"O sige, tama naman at mamamanhikan pa kayo."

"Mamamanhikan po?"

"Aba e natural! Kung sa iba hindi uso yon, sa amin malaking bagay 'yon. Hindi naman kailangang maluho. Nanang, kayo ho, ano'ng masasabi n'yo? Madam Allan. Baka napanis na laway n'yo. Kanina pa kayo walang dialogue."

"Ala e ngayon mo pa tinanong, ganireng nasabi mo na lahat. Ang tanong ko lang Tisoy, hindi mo naman nadaan ireng apo ko sa santong paspasan? E kabilis naman!"

"Nanang, hayaan n'yo na sila. Kung saan sila masaya."

"Ala eh maigi na nga ire at bago man lang ako pumanaw e masilayan ko lang apo ko sa tuhod. Kagaganda siguro hane?"

"Naku Nanang, masusuot mo na yung pinatahi mong baro't saya na husi-pinya!"

"Alin ga ang natukoy mo, yung pamburol ko?"

"Ano ka ba Nanang! Mahaba pa buhay mo!"

Sinamantala ni Meng na naiba ang usapan. "Nay, Tay, Nanang, sa kusina lang po kami ni Ricardo, prepare lang po ng makakain natin. Promise n'ya po kasing magluto. Di ba labs?"

A/N: Get your acts synchronized, pati tawag n'yo magkaiba. Para kayong trops na hanggang ngayon di sabay-sabay!

---------------

"Puwede bang painom muna ng tubig? Natuyo yata lalamunan ko sa interview ng tatay mo. Sa kanya ko kinabahan, hindi kay Ms. Minchin."

"Ay sorry naman! Ano gusto mo tubig, soda, kapeng barako, lambanog?"

Ikaw. "Ano palang iluluto natin?" Kinuha niya ang pitsel at straight na ininom ang dalawang baso ng tubig.

"Palusot ko lang 'yon. May naluto na ko kanina na iinit na lang. Gusto ko lang magpasalamat."

"Salamat saan?"

"Binack-up mo yung sinabi ko sa harap ni Ms. Minchin."

"Sasabihin mo ba yon kung hindi kita inalok ng kasal? Eh di partners in crime tayo. Accomplice mo ko."

"Sorry ulit talaga. Hindi ko alam bakit yun ang naisip kong sabihin."

"Hindi ako magkukunwari na hindi ako masaya dahil pumayag ka. And for the record, dalawang sagot na OO pa. Pero Meng, sigurado ka ba?"

"Anong dalawang sagot?"

"When you announced that we're engaged, para mo na ring sinagot yung 'will you be my girlfriend?' at 'will you marry me?', tama? And by the looks of it, hindi fake ang sagot mo."

"Oo nga no? Bakit di ko naisip yon?"

"As I was saying Menggay, sigurado ka ba? May time ka pang umatras. Gusto ko lang paalala sa 'yo, wala pang divorce sa Pilipinas, madugo ang annulment. Wala akong balak na isa sa 'tin ang madeclare na mentally incapacitated mapawalang-bisa lang ang kasal. Ito ang kontratang mahirap lagyan ng exit clause."

"Final answer? Let's do it! Anything for Baste. Saka sabi mo nga, friendship is a good foundation for a lasting relationship. Kung igi-give up ko rin lang yung conviction ko na hindi mag-asawa. It might as well be you."

Medyo nalungkot yata si Richard ng very slight. He thought they've made progress. Pero dinismiss na lang niya. Sige lang. Yun naman talaga premise ng offer niya. May ibang mas magandang pag-usapan.

"Then it's time for another experiment." Sabi nga ni Nanang, santong paspasan na lang.

"Experiment? Kinakabahan na naman yata ako diyan."

"Something to celebrate our engagement. Let's seal it with a kiss?"

"Ha? A kiss? Kailangan ba?"

"Menggay, gusto mo bang magduda sila at mahalata na first time tayong magki-kiss sa araw ng kasal natin?"

Eto na naman po ang mga nagda-drum sa dibdib niya. Dumadagundong. "Puwede bang let's cross the bridge when we get there? Keri naman siguro 'yon? Nasa sala lang sila o!"

"Cannot be. Malayo yung sala, hindi nila tayo makikita. Okay, ganito na lang, para huwag kang kabahan, ikaw ang magkiss sa 'kin. Fair enough?"

"Isa lang?"

"Isa lang. I will close my eyes. Teka lang, pareho naman tayo ng kinaing kakanin kanina." Pinunasan ni Richard mga labi niya. "Game." Pinikit niya ang mga mata niya.

"Wait inom lang ako, ako yata matutuyuan ng lalamunan." Lumunok si Meng nang ilang beses. Mas okay yata nung lasing siya, at least hindi niya alam. Kaya mo 'to Menggay, 23 ka na. Pakakasalan mo yang kaharap mo. Don't think, just...

"Ang tagal naman! Ilang oras pa ba?"

"Teka lang naman! Bumubuwelo pa. Pikit ka na ulit!"

Humawak siya sa balikat ni Tisoy at saka nagtip-toe. Nang saktonghahalik siya, saka gumalaw si Ricardo kaya sa gilid ng labi naglanding.

Onemore try, kaso gumalaw ulit siya kaya sa may kabilang gilid naglanding. "Ano ba Ricardo? Ang kulit mo!"

"E kasi naman, tinatanggal ko lang kaba....hmmp " Sinamantala ni Menggay para bigyan siya ng isang madiing smack sa lips.

"Yun na yon? First kiss mo tapos gano'n lang?"

"Excuse me po, hindi ko first kiss yan"

Biglang naging seryoso ang mukha ni Tisoy. Hindi mo first kiss? "Then let's do this properly. I don't like comparisons."

Nahalata ni Meng ang pagbabago ng mood ni Richard. Napaurong siya at napasandal sa marmol na kitchen counter. Hindi niya mabasa ang emosyon na naglalaro sa mata ng binata. "Wait Richard...."

"Close your eyes or you can look at me while I do this."

Sinubukan niyang idilat ang mga mata niya pero kusang nagsasara habang naglalapit ang mga mukha nila. Nakita niyang ibinaba ni Richard ang tingin nang binasa niya ang nanunuyo niyang labi.

Parang nabibingi si Meng sa bilis ng takbo ng puso niya at naramdaman ang marahang hawak sa kanya sa leeg, hinihila siya papalapit, papalapit hanggang sa wakas nagtama na ang mga labi nila.

Ramdam niya, madiin nung una, parang may konting inis pero biglang nagbago.

Napahawak siya sa mga balikat ni Richard nang hinapit ang bewang niya at naging marahan ang dampi....at nasimulang gumalaw ang mga labi niya....

,
,
,

"Bakit mo niki-kiss ang mommy ko?"

A/N: Hay Baste, thank you!!! Nauubusan na ko ng bala....kayo na po bahala kay Baste, iinom muna ko

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora