I can do it....makakaabot pa ako.

Nang makarating na ako sa tapad ng kwarto ko ay kaagad akong pumasok doon at kinuha sa bag ko ang inhaler. Parati ko itong dala pero ayokong gamitin ito sa may makakakita.

I sigh in relief nang umayos na ang paghinga ko. I will be fine. I hope.....

"KUMAIN ka na..."

Napaupo ako ng tuwid sa kama ng pumasok si manang na may dalang tray ng pagkain. Blanko ang expression ng mukha nito kaya hindi ko magawang ngumiti sa kaniya.

Napayuko na lamang ako. "Thank you po..." mahinang bulong ko.

"Kumain kana bago pa lumamig ang pagkain mo."

Tumango lang ako at pinagmasdan siyang umalis.

I sigh....

Dalawang araw na akong nagkukulong sa kwarto ko at dalawang araw na rin akong hindi pumapasok. Bukod kasi sa nandito pa sa bahay si lola ay masama pa rin ang pakiramdam ko. Kung hindi ako hinahatiran ni manang rito ng pagkain marahil ay namatay na ako sa gutom.

Tinali ko na muna ang nakalugay kong buhok bago ako dahan dahang bumaba ng kama at sinimulang kainin ang pagkaing dinala ni manang. Masakit pa rin ang katawan ko at bakas pa rin sa balat ko ang mga pasang tinamo ko kay lola noong isang gabi. Ayoko munang makasalubong siya dahil baka hindi na kayanin ng katawan ko ang pambubugbog niya kapag magalit na naman siya sa'kin.

She's really a cruel and a hundred percent sadist. Wala siyang pakialam kung mamatay ako sa mga pananakit niya kaya sobra akong natatakot sa kaniya.

Pagkatapos kong kumain ay pinilit ko naman ulit ang sarili kong pumasok ng banyo para maligo at mag-ayos. Hindi ko na mamukhaan ang sarili ko. I'm look like a mess.

"Sh*t..." Daing ko nang maramdaman ko ang hapdi ng mga pasa ko. Pati ang pisngi ko na sinampal ni lola ay mahadpi pa rin.

Damn.

Ilang beses ko nang binabasa ang mga pasa ko sa katawan, dapat sanay na ako. Dapat sanay na ako sa sakit. Kainis.

Pagkatapos kong maligo at mag-toothbrush ay kaagad na akong naghanap ng damit na pantulog. Mabilis lang akong nagbihis dahil parang gusto ko na ulit humiga.

Kinuha ko naman ang blower ko sa banyo para magpatuyo ng buhok. I badly want to sleep pero hindi naman ako pwedeng matulog ng basa ang buhok ko.

"Aria."

Napahinto ako at otomatikong nanigas ang buong katawan ko nang makita ko si mommy sa loob ng kwarto ko at prenteng nakaupo sa kama ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin. "May balak ka pa bang pumasok? Kasi kung wala na, ako na mismo ang magpapa-draft sa'yo sa school."

Natigilan ako at nabalot nang takot ang buong sistema ko. Napayuko na lamang ako para hindi niya makita ang takot ko. "May balak po akong pumasok bukas." Mahina kong sabi.

Hindi siya nagsalita. Bagkus ay narinig ko ang tunog ng takong niya na umiikot sa kabuuan ng kwarto ko. Napapikit na lamang ako. Mabuti nalang at nakatago ang mga paintings ko.

"Mabuti naman kung ganon. Akala ko ay habangbuhay ka nang magkukulong dito." Malamig niyang aniya.

Kung pwede nga lang sana....

Pinaglaruan ko na lamang ang mga kuko. Hinihintay kong matapos siyang libutin ang kabuuan ng kwarto ko. Siguro naninibago siya kasi ngayon lang siya ulit nakapasok dito.

"By the way, wala na dito si mommy kaya pwede ka nang lumabas labas." Sabi niya bago lumabas ng kwarto ko.

Doon lamang ako nakahinga ng malalim.

Hindi na ata maaalis sa sistema ko ang takot tuwing kaharap ko at si lola.

Ganunpaman, ay umaasa pa rin ako na balang araw....matatanggap din nila ako.

Alam kong possible pa nila akong mahalin.

May bukas pa....may kinabukasan pa.

I don't lose hope. After all, they are my family.

Family. Napangiti na lamang ako. Isipin ko pa lang na balang araw parte na ako ng pamilya nila ay masaya na ako.

I will be happiest girl on earth kung sakali mang maramdaman ko nga ang pagmamahal nila.


****
cried

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now