Her Life (2)

25 7 22
                                    

Her Life (2)

Warning: Bad words, Violence.

~~~

Bata pa ako noon, nakatira sa isang ampunan. I am just one of the orphans hoping to get adopted and have a family.

"Oy! Nasan na nga yan! Dapat sa akin yan eh!" Sabi ng isa sa mga bata sa akin at hinablot ang hawak kong pandesal.

Napayuko na lang ako at tahimik na umiyak.

Yun naman lagi eh. Umiiyak, hindi lumalaban.

"Grabe naman 'to, oy!" Sabi ng batang lalaki at tinulak ako ng malakas.

"Wag kang magsusumbong kay Mrs. Arceo kundi malalagot ka sa akin!" Sabi niya at hinila ang buhok para iharap ang mukha ko sa kanya. Mas lalo siguro siya naiinis at hinigpitan ang hila sa buhok ko.

"A-aray! Tama na!"

"Sumagot ka! Pagkinakausap kita! Ano! Sagot!"

"Oo!"

Napatango na lang ako habang tumutulo ang mga luha ko.

Ngumisi siya at binitawan ako. Yung mga kasama niya nanonood lang akala mo parang walang nasasaktang tao sa harap nila.

Nakangising humarap ang lalaki sa akin at naglakad na papalayo. Pero bago yun tumingin siya sa akin.

"Kung iniisip mo na magkakaroon ka pa ng kaibigan dito kinabukasan, wag ka ng umasa. Tutal wala namang makikipagkaibigan sa isang tulad mo na lampa, mahina."

~~~

"Mga bata! Halika kayo dito at may sasabihin ako!"

Summer noon, matindi ang sikat ng araw ng tawagin kami ni Mrs. Arceo, isa sa mga nangangalaga sa ampunan.

"May darating na mag asawa dito kaya, magtino kayo. Mamayang alas otso ng umaga sila darating kaya't maligo, maghanda para presentable kayo. Naiintindihan niyo ba ako?"

"Opo, Mrs. Arceo."

Habang inaayos ko ang buhok ko, nakasuot ng isang dress na halatang luma na pero ayos pa naman ang itsura at nakasinelas ng dumating ang mag asawa.

"Hello sa inyo! Ako si Lori at ang asawa ko si John." Pag papakilala ng babae. Nakangiti ang mag asawa habang nakatingin sa amin.

"Hello po!" Sabay-sabay naming bati.

Nasa pinakalikod ako kaya't hindi masyadong kita. Sa tuwing may mga darating na bisita kailangan nasa likod ako dahil kung hindi bugbog ang aabutin ko.

Nag patuloy ang pakikipag kilala ng mag asawa habang ako napatingin na lang sa bintana.

Maririnig ang mga boses ng mga ibang bata para makuha ang atensyon ng mag asawa.

Nasaan na kaya ang mga magulang ko?

Bakit ako nandito?

Buhay pa kaya sila?

Minahal ba nila ako kahit konti?

Yan ang madalas na iniisip ko, nanghihinayang kung bakit wala ang mga magulang ko. Nagtataka kung anong nangyari.

Nakakainggit na ang ibang bata may mga magulang at pamilyang kasama habang ako nandito. Nandito sa isang ampunan, wala na kahit isang kaibigan. Walang gamit na masasabing galing sa isang taong nagmamahal sa akin. Wala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Critical SilenceWhere stories live. Discover now