Hindi ko na muna sila sinagot at muling sinubukan na ibalik ang malay ni Aecy.

"Babe." Hindi ko na naitago pa ang pag-aalala at pagkataranta dahil kanina ko pa sya ginigising at hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising.

"Hey, sweety. Wake up." Tinapik ko pang muli ang kanyang pisngi bago halikan ang likod ng kanyang kamay, kanyang braso, pisngi, at pati na rin ang kanyang labi.

Halos huminto ang aking paghinga ng marinig kong umungol siya kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata.

"Babe. You're safe now. Kamusta ka? Anong masakit sayo? Ayos ka lang ba? Saan masakit?" Tarantang tanong ko sa kanya habang hinihimas ang kanyang pisngi.

Kumibot ang kanyang mga labi at biglang inusal ang katagang hindi ko inaasahan na isasagot nya. "Sino ka?"

Napa upo ako dahil sa gulat. "Hey, wag ka naman magbiro ngayon." Pilit ang tawang sabi ko.

Kumunot ang kanyang noo at pilit na inaalala kung sino ako. "Sino ka? Anong ginagawa natin dito?" Tila natatakot na usal nya bago umupo nila sa pagkakahiga at umurong palayo sa akin.

"Babe, easy. Si Kean to." Sabi ko bago ngumiti at lumapit sa kanya ng unit habang lumalapit ako ay sya namang paglayo nya.

"H-hindi kita kilala." Tarantang usal nya habang patuloy sa pag-atras.

"Ano ba Aecy! Hindi to oras para magbiro ka ng ganyan!" Gigil na sabi ko sa kanya. "Halika na rito. Icheck natin ang mga galos mo." Mabining usal ko.

"A-aecy? Sino si Aecy?" Kunot na kunot ang kanyang noo at parang pilit akong inaalala.

Tumayo ako at frustrated na napasabunot sa aking ulo. Tumalikod ako sa kanya bago pumikit ng mariin at magpakawala ng buntong hininga.

Muli akong naglakad palapit sa kanya ngunit katulad kanina ay umurong lang sya.

"Babe, please. Ano bang nangyayari sayo?" Kinamot ko ang aking batok. "Stop joking around will you?" Dagdag ko pa.

"Kean!" Si Juno "Ano na? Nakita mo na ba si Aecy?" Tanong nya.

"Kamusta dyan sa ibaba?" Rinig kong sigaw nila ngunit katulad kanina ay hindi ko sila sinagot.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita na dahil sa kakausog ni Aecy at narating nya na naman ang dulo.

Napatili sya kasabay ng pagkalaglag nya.

"Putangna! Aecy!" Sigaw ko bago dumaib papunta sa dulo. Hindi ko alintana ang pagtama ng aking dibdib sa malilit na bato dahil sa ginawa kong pagdaib maabot lamang siya.

Laking pasasalamat ko nang naabot ko ang kanyang kamay kung kaya't hindi sya nagtuloy tuloy sa pagbagsak.

"K-keither, a-aah." Tila nagbalik siya sa wisyo at nakilala na akong muli. "Natatakot ako." Bakas sa kanyang boses na natatakot nga siya. "Wag mo along bibitawan, please." Dagdag nya pa.

"Humawak ka lang, hindi kita bibitawan." pagpapakalma ko sa kanya bago inihawak pa ang kanan kong kamay.

"Kean! Anong nangyayari dyan?" Sigaw ni Juno bago ko syang narinig na nagmura.

"Kailangan namin ng tulong!" hiyaw ko nang tumingala ako.

Narinig ko ang sunod sunod na pagmumura ni Juno. Hindi ko alam pero mukhang sa barkada, sya ang pinakanag-aalala.

"Saglit, nandyan na sila!" Si Josh na ang sumagot.

"Shit, babe. Kapit lang okay?" Usal ko habang nakangiti, pinapalakas hindi lang ang loob ni Aecy kundi pati na rin ang sa akin.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Where stories live. Discover now