第十番目の 。tenth life。

352 26 6
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



星 — stars.  



"S.COUPS! SEVENTEEN! MINGYU!! SEVENTEEN!!"

Umalingawngaw sa buong arena ang malakas na sigawan ng mga fans. Binalot ng dilim ang buong paligid bukod sa mga nagniningning na mga carat bong ng mga Carats sa bleachers. The sight is breathtaking, as always. As expected from Carats. 

Naramdaman ni Seungcheol ang presensya ng isa pang member na kagaya niya'y sumisilip din. 

"Waaah, anganda talaga tingnan," manghang komento ni Jun tsaka ngumisi habang nakatitig sa audience area kung saan walang humpay ang hiyawan ng mga Carats habang naghihintay sa kanila.

"Oo nga e."

He's seen this sight a lot of times, but he can never get enough of it. It has the same effect on him; the same electric rush of warmth, the same sense of pride and the strength to do his best and do well on stage. Hindi lang pala sa stage kundi sa lahat ng gagawin niya sa kanyang buhay. That's how powerful Carats are. Kahit na nasa ibang bansa sila ngayon, wala siyang nararamdamang ilang dulot ng estrangherong bansa. Looking at the crowd of rose quartz and serenity and at the sounds of their names echoing, he feels more at home than ever. Hinding-hindi pumapalya ang mga sigaw nila at suporta sa pagbibigay inspirasyon at sigla hindi lang kay Seungcheol kundi pati na rin sa kanyang mga members. And for that he'll be forever grateful to all these people. Because really, these wonderful beings are doing it all. Sila ang dahilan kung bakit nandito sila ngayon. Sila ang nagsilbing lakas at ningning sa kanilang paglalakbay bilang mga performers. 

Seungcheol smiles and clenches his fist in determination. Alright my loves, we'll give you another great time.

Bumalik siya sa backstage kung saan kanya-kanyang naghahanda ang kanyang mga members pati na ang mga staff. Nasa tabi sina Jisoo at Hansol at tinatapos ang kani-kanilang mga make-up at outfit. Nasa isang sulok naman si Wonwoo at Soonyoung na kasalukuyang sinusuot ang kanyang mic. Jeonghan, Chan and Seokmin are seen messing with the camera, probably for another Going Seventeen episode. Katabi nila si Minghao na sinasayaw 'yong isang dance step na kinababaliwan niya. Seungkwan and Mingyu are giving out bottles of water for the members. Si Junhui naman, lumapit kay Jisoo at may binulong sa kanya. On reflex, Seungcheol did a head count including himself. He only counts 12. Kumunot ang noo niya nang mapagtanto kung sino ang kulang. 

"Na-check mo na ba ang mic mo?"

Napalingon si Seungcheol sa kanyang tabi at nakita si Jihoon. He smiles.

"Nand'yan ka lang pala. Hindi kita nakita e," inayos niya ang kanyang mic tsaka tinapik ito ng mahina. "Mic test, mic test, S.Coups Visual, yeah~"

Inayos ni Jihoon ang sariling mic. "Saan ka ba galing? Ako na naman ang naisipang sermonan ni hyung. Bakit daw ako biglang nawala kanina."

Natawa si Seungcheol. "Buti na lang pala sumakit ang tiyan ko kanina at nag-CR ako kundi isasali rin ako sa sermon."

"Hah," Jihoon remarks. "You'll get yours after this."

"SEVENTEEN! STAND BY! YOU'RE LIVE IN 5 MINUTES!"

"Aww, anong sabi?"

"The usual," sagot ni Jihoon habang hinihintay ang kanyang mga members na lumapit sa kanilang dalawa para makapaghuddle silang lahat bago magsimula ang concert. "Hindi raw tayo dapat umalis nang walang pahintulot. Na wala raw tayo sa Korea at baka ano pa ang mangyari sa'tin sa daan."

"Aww, you know he meant well."

"'Wag kang magsalita na para bang ako lang ang tumakas para kumain."

Muling napatawa si Seungcheol. At this time, all members have huddled up around. Bitbit ni Seokmin ang camera tsaka sinimulan na niya ang kanyang obligatory speech sa tuwing naghuhuddle silang lahat. All of them cheered and broke away, walking to their formations.

"Ya, Soons, paano nga ulit 'yon?"

"Ganito."

"Kwannie, pakiayos nga ng wire sa likod."

"SEVENTEEN! 60 SECONDS!"

Seungcheol breathes in and out hard and cracks his neck. Time to give the Carats what they deserve. And it's always the best. 

He feels Jeonghan walk and settle next to him. 

"Ready, Leader?" rinig niyang tanong ng kaibigan. 

"Handa na!" he smiles at him, holding up his fist. "I'm counting on you again!"

Jeonghan hits his fist with his. "As always."

Ipinalibot niya ang kanyang paningin sa kanyang mga members. Some of them are focused enough not to look around. Gaya ni Seokmin at Seungkwan na nakayuko at may nakaukit na seryosong ekspresyon sa kanilang mukha. They're totally different people onstage really. Nawawala ang bakas ng pagkakwela nila sa tuwing kumakanta at napapalitan ng ibang klaseng imahe na hindi mo aakalaing kaya nia. They look way too cool onstage, opposite to their cute and silly side backstage. Wonwoo is almost the same, kaso nga lang mas seryoso ito backstage. Nakayuko ang karamihan sa kanila maliban kay Chan at Hansol na parehong lumilinga-linga. Seungcheol meets their eyes and nods at them. 

Huling tumingin sa kanya si Jihoon bago nagsimula ang tugtog. 

Seungcheol smiles at him. He smiles back. 

Then, they begin doing what they love to do in front of the people they love the most. 



Koi No Yokan / jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon