MHM 53: Aira

51 0 0
                                    

MHM 53: Aira

Tawanan. Hampasan. Asaran. 'Yan ang mga ingay na naririnig ko sa mga kaibigan ko. Pero wala sakanila ang atensyon ko.

Pagpito ng coach. Hiyawan at alaskahan kapag nakakapoints. Ngunit sa iisang lalaki lang ako nakatingin. Sa lalaking pinakamagaling sa team ng soccer sa school na 'to. Sa lalaking mahal ko.

Huminga ako ng malalim. Sa lalaking mahal ko...

Nagulat ako ng may bumato sa mukha ko. Pagkakita ko, fries.

Sino pa ba ang mahilig mamato ng fries sa aming pito?

Unti-unti kong itinaas ang mukha ko na may kasamang sama ng tingin sakanya.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Dinadrama mo dyan, Aira Faith Glorioso?"

"Nanahimik lang nagdadrama na agad, Keizel Artemis Gonzales?" saka ko sya inirapan.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko.

Kay Yel na lalong tumahimik kumpara dati. Wala naman syang naikukwento.

Kay Mariel na blooming, inlove, masaya.

Kay Thea na masaya na rin. Masaya na sila ng boyfriend nya. Si Brix.

Kay Keizel na talagang masaya simula ng bumalik sya dito. Walang nagbago.

Kay MeAn na unti-unti nang sumasaya. Simula kasi nang magbreak sila ni Jasper, hindi na sya makausap. Pero ngayon ay mukhang sumasaya na sya. At siguro ako dahil kay Klein iyon. Sa dating manliligaw ni Yel. Wala namang ilangan sa kanilang tatlo. Okay naman daw kay Yel, pero feeling ko hindi e.

Napatingin naman ako kay Ronna. Si Ronna na pinakamasiyahin sa aming pito. Sa lahat sa amin, sya ang pinaka-deserving sumaya. Nitong mga nakaraang buwan ay sobrang lugmok nya, pero mukhang hindi na ngayon. Masayang-masaya na sya. Wala rin syang nakukwento sa amin tungkol sa mga pinagdadaanan nya. Sisiguraduhin kong magkakaroon kami ng araw para roon.

Masaya naman ako sakanila. Sapat na ang mga kaibigan ko. Hindi ko na kailangan ng panibagong lalaki sa buhay ko para sumaya.

"Seriously, Aira Faith? Why are you spacing out? This is so not you." sabi ni Mariel.

Inirapan ko sya, "Oh, eh, bakit kailangan mong mag-ingles?"

Nginisihan nya ko, "Cute kasi ako."

Itinaas ko ang gitnang daliri ko kaya nagtawanan sila. "Nasan ba mga lalaki nyo ng manahimik na kayo."

Nabigla ako ng may humampas sa braso ko. Nanlalaki ang mga matang binalingan ko si Ronna.

"Ano ba 'yan!" pamumula nito. Pucha! Anong arte nito?

Kinunotan ko sya ng noo. "Gago 'to ah?"

Hinimas ko ang hinampas nya. Ang sakit ah!

"Busy pa kasi sya." Hindi makapaniwalang tinitigan ko sya. Wow, hinampas nya ko dahil kinilig sya?

Yel suddenly spoke. "Ikaw? Kailan ka ba ulit magkakaroon ng lalaki?"

"Aye." sabi ko nalang at kumain.

Bigla namang pinaghahampas ni Mariel ang braso ko.

"Kailangan mo ding sumaya 'no! Maghanap ka ng lalaki! Aba naman, Aira Faith? Duh, mag-iisang taon na kayong wala. Sya nga mayroon nang bagoㅡ"

Hindi na nya natapos dahil siniko sya ni Yel.

Napatigil ako sa pagkain. Oo nga pala, 'no?

Napangiti ako. "Sus, ayos lang. Okay naman na 'ko sakanila.."

Making Him MineWhere stories live. Discover now