MHM 50.5: Jasper

74 4 2
                                    

MHM 50.5: Jasper

I want to laugh but there was no humor in it. "What?"

"You heard me, MeAn."

I'm still confused. "Ipaliwanag mo sakanya 'yung totoo. Siguro ito na rin 'yung time para malaman mo ang katotohanan. Hindi pwedeng habangbuhay, nagtatago kayo ng sikreto sa isa't-isa. Hindi ganoon ang tamang relasyon. Kaya iyang namamagitan sa inyong dalawa, mali."

"Yes, you like him. But that's not enough for you to be in this kind of commitment. Like is too, too, too shallow. Love should be involved. Not some kind of infatuation, crush nor like."

She handed me a handkerchief. Nagtaka ako.

"Take this. You're crying, dear." napakapa ako sa pisngi ko at naramdamang basa ito.

Kinuha nya ang kamay ko. "Nasa Music Room sya ngayon. Sa Piano Section."

"Thank you." I sincerely said.

She nodded. "You guys are always welcome."

Tumayo na 'ko at pinunasan ang pisngi ko.

"Oh, I more thing. Open up to your friends, and try your best to avoid Klein. It's not yet the time.. basta." saka nya sinampal nya ang sarili nya.

"Muntik na 'yun!" sabi nya sa sarili nyang narinig ko naman.

"Ha?" but she just shoo-ed me away.

Nagsimula na 'kong maglakad ng may maalala ako. Nilingon ko sya. "Wait. Paano mo nalaman ang tungkol sa amin?"

"Uy, huwag mong ipagkalat, ha?" she shyly giggled.

"Na ano?" I asked out of curiousity.

"Because.." she is seriously a cliffhanger!

"Because.. I'm great!"

My shoulder fell. "Yeah, yeah. Ano nalang pangalan mo?"

"Hinaharap." she smiled then run away.

Hinaharap, huh? Anong klaseng pangalan 'yon?

Ay, si Jasper!

Kaagad akong tumakbo papuntang music room. Binuksan ko ang pinto noon at naglakad papunta sa piano section.

Ang puso ko'y nalilito, nalilito
Kung sino sa inyo, woah ohh..

Pumasok ako at nakita syang nakatalikod sa audience habang nagpapatugtog ng piano.

Tinutugtog at kinakanta nya iyon sa isang mabagal na tempo at malungkot na tono.

Tinatamaan ako, shit.

"Jas.." napahinto sya sa pagtugtog ngunit hindi nya ako nilingon.

Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi pero iniignora nya pa rin ako.

"I'm sorry d'on sa nakita mo. May boyfriend ako pero nakikipagyakapan ako sa iba. It's just that Klein do have a problem. Nakakahiya naman kung iwan ko nalang bigla." I explained.

He's still silent.

"I want us to break up." walang prenong sabi nya.

Sinabi na ni Hinaharap 'to sakin kanina pero masakit pa rin pala.

Hindi ako nagsalita dahil nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko.

"Nagsorry na 'ko, Jasper. Okay, iiwasan ko si Klein kung gusto mo." I looked at him in the eyes.

Making Him MineWhere stories live. Discover now