MHM 40: Smile

84 5 0
                                    

MHM 40: Smile

"Masyado ka atang nag-e-enjoy sa pagkapit sa boyfriend ko?" diretso kong tanong kay Kasandra.

"B-boyfriend? I thought, m-magkaaway kayo?" napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

"Haha! My dear Kasandra," sarcastic na pagtawa ko. "Madaming namamatay sa maling akala, buti hindi ka namatay?" bwisit na sabi ko.

"What the hell? What kind of tongue you have?" pag-eenglish nya.

ABA, LINTEK. HINAHAMON ATA AKO NETO, EH?

"A tongue that you don't have." I said mockingly.

Natawa naman si ID at lumapit sakin. Inilagay nya sa baywang ko ang kamay nya at napa-cross arms naman ako.

PARA LALONG MAKITA NI KASANDRA. Two players can play a game, my dear.

Napatingin sya d'on at nalaglag ang panga. Agad na lumipat ito sa mukha ni ID na pinapaulanan halik ang gilid ng ulo ko.

Napangisi ako. Maasar nga. BWAHAHAHAHA!

"ID, ano ba! Nakikiliti ako.." malanding sabi ko. Tignan lang natin kung hindi ka mainis.

"ID, isa! Mamaya bibigyan kita ng maraming-maraming kiss. Kahit sa lips pa. Alam ko naman gustong mo 'kong ikiss lagi-" naputol ang sasabihin ko ng gigil na tumili sa Kas.

"Enough! Arggggggggh!" gigil na tumili sya at mabilis na umalis paalis.

"Know what, girl? Ang sakit sa tainga ng tili mo. Parang ikaw lang. Ang sakit mo sa mata. BYE!" tawa naman ng tawa si ID sa tabi ko.

Sikmuraan ko nga.

Agad syang napa-'aray' sa ginawa ko.

"Hoy, loko. Hindi ako natutuwa. Napaka-childish talaga nito." sabi ko at umirap. Naglakad na ako palayo sakanya.

"Say what?" natatawang sabi nya at inakbayan ako.

"Say what say what ka dyan. Pasabugin ko kaya labi mo?" naiiritang sabi ko sakanya.

Ewan ko ba. Bigla nalang uminit 'yung ulo ko.

"Okay, I get it." tumawa sya ulit at niyakap ako mula sa likod.

Anakng. Asan 'yung galit at inis na nararamdaman ko kanina?

"H-hoy, bakit ka nangyayakap? Anak ng tinola, Israel Dee! Tanghaling tapat tapos minamanyak mo 'ko!" tawa sya ng tawa sa sinabi ko.

"You have red stain on you're pants, baby." he whispered sexily in my ears.

Napamura ako sa isip ko. Una, ang bango ng hininga nya. Pangalawa, nakayakap sya sakin. Pangatlo, sobrang lapit namin sa isa't isa. Pang-apat, tinawag nya akong baby. Panglima, ang sexy nya magsalita. At pang-anim, meron ako! OO, HULI TALAGA! Shit, naka-white pants pa man din ako!

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Try mo kayang tanggalin 'yung jacket mo, tapos ibigay mo sakin para matakpan ko. Nasaan ang utak, Israel Dee?" pilit kong pinapalitan ng inis ang hiya sa tono ko.

"Bossy. I like that," sabi nya at hinalikan ako sa pisngi.

PDA much?!

Nanatili syang nasa likod ko habang hinuhubad ang jacket nya. Inilahad ko ang kamay ko sakanya para kunin ang jacket pero nalaglag ang panga ko sa ginawa nya.

Sya mismo ang nagsuot sakin n'on. Para syang nakayakap ulit sakin pero nilalagay lang naman nya 'yun sa baywang ko.

Okay, ovary? Buhay ka pa ba? 'Wag ka munang sasabog, okay? TAKTE, 'YUNG PUSO KO!

"What brand you prefer the most?" nakangiting lumipat sya sa harap ko.

Hindi ako makasagot. Lumulutang ata ako.

He snapped his fingers infront of my face. Lalong lumaki ang ngisi nya. "I said what brand of sanitary napkin do you want? Ikukuha kita sa clinic.

Napalunok ako sa hiya. "Whisper. With wings." pulang-pula na siguro ako ngayon.

"Okay, my lady. Go to the restroom now. Ihihiram narin kita ng pants or whatsoever sa mga kaibigan mo. I'll be back." sabi nya at kinindatan ako.

Wala na akong nagawa kundi ang mapangiti. Boyfriend na kaya kang ikuha or ibili ng nakpin ng walang pag-aalinlangan. Kung lahat ng lalaki katulad ni ID, edi sana wala ng single ngayon.

Para akong baliw na nakangiti habang papunta sa restroom. Fuck you, Agustin. For making me smile like an idiot.

I hate you.

Making Him MineWhere stories live. Discover now