MHM 37: First Kiss

88 7 0
                                    

MHM 37: First Kiss

Hindi ako makagalaw. Nakatunganga lang ako sa harap nya. Shit! Hindi ako makahanap ng sasabihin!

Umiiyak parin sya. At.. hindi ko alam ang gagawin ko.

Kinalas ko ang kamay nyang nasa pisngi ko at ibinaba 'yon.

Nilagpasan ko sya at pumikit ng mariin dahil naririnig ko ang mga hikbi nya.

Nangilid ang luha ko. Naguguluhan ako sa sarili ko! I thought, I should take Future's advice pero ano 'tong ginagawa ko?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil tuluyan ng tumulo ang luha ko.

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon sya.

Nakita ko syang nakaharap sakin pero nakayuko sya.

Unti-unti akong naglakad..

....papunta sa direksyon nya.

Nang makarating ako sa harap nya ay inangat nya ang tingin nya sakin. Bakas ang pagkagulat sa punong-puno ng luhang mga mata nya.

Nginitian ko sya kahit na may luha din sa mga mata ko. Pinunasan ko 'yon at tinignan sya sa mata. Nakita kong nanginginig ang baba nya dahil pinipigilan nya ang pag-iyak.

I can't believe that he is really crying infront of me.

Pinunasan ko ang basang pisngi nya pero dahil d'on ay lalo lang bumuhos ang mga luha nya.

Napatawa ako. "Ano ba! Bakit ka ba umiiyak? Shush, tahan na. Nandito na 'ko." nginitian ko sya at pinunasan ulit ang pisngi nya.

"I love you." he managed to say it clearly.

"Oo na." sabi ko at inayos ang buhok nya. Wala naman syang ginawa kundi ang titigan ang mukha ko. Na parang anytime mawawala ako sa paningin nya.

Hinawakan ko ang pisngi nya at ibinaba ko ito para magtapat ang mga mukha namin.

Hinawakan nya ang mga kamay kong nasa pisngi nya at pumikit. Hinalikan ko sya sa noo. Sa tungki ng ilong at sa noo ulit.

Nagulat ako kasi bigla nya akong hinila para yakapin. "I love you, Keizel Artemis.." mainit ang hininga nya sa tapat ng tainga ko.

Niyakap ko sya pabalik at hinalikan sa pisngi. Napansin ko namang tumulo ang luha nya. "Damn, my little kiss stealer is back."

"Tama na nga. Iyak ka ng iyak! Bakla ka ba?" natatawa kong tanong. Agad naman nya akong hinarap sakanya.

Naningkit ang mga mata nyang namumugto. "Gay? Really? Want me to prove you wrong?" sabi nya at unti-unting lumapit sakin.

"Oy, ah! Joke lang! Bakit ba ang bigdeal sa inyong mga lalaki ang masabihan ng bakla? Nakakabaog ba-" napahinto ako sa pagsasalita ng hinawakan nya ang batok ko at hinila palapit sakanya.

Nanlaki ang mata ko. Shit! Agad nyang ipinulupot ang isa nyang braso sa baywang ko ng aatras na sana ako.

Ay, putek! Napalunok ako ng mukhang wala na akong kawala.

Hinalikan nya ako sa noo. Sa tungki ng ilong. Sa noo at sa ilong ulit. Ginaya nya 'yung ginawa ko kanina, loko-

Parang kumawala ang kaluluwa ko sakin. Bukas na bukas ang mga mata ko. Sht! Hindi ako na-inform na.. na.. hahalikan nya ako sa ano.. sa lips!

Agad na nag-init ang mga pisngi ko ng makita kong nakapikit sya. Biglang gumalaw ang labi nya.

Tuluyan na akong napapikit at sinuklian ang mga halik nya.

Huminto ako para sumagap ng hangin.

He's a good kisser! Kanino nya 'yon natutunan?!

"It.. It was my.." tumikhim sya at nag-iwas ng tingin. "..first time to.. uhm.. kiss like that. I'm sorry if I'm suck at kissing.. And, I know it may sound gay but.." tumikhim ulit sya na parang nahihiya.

"You're uhm.. my first.. kiss. When you.. kissed me in the.. Student Council Room." ilang na ilang sya. Tumawa ako ng malakas.

Napahawak ako sa tyan ko. He's not my first kiss t'was my ex-boyfriend. Naging kami nung panahong nagbreak sila ni Kas. Napagod narin kasi ako n'on.

"Eto naman! Hahahahaha!" hindi mapawi ang tawa ko.

"Yieeee. Ako first kiss nya! Binata na sya." lalo akong natawa ng bigla syang sumimangot at napanguso.

Shit, I never thought that he can be this cute!

"Kaya mo 'ko inaasar kasi hindi ako ang first kiss mo. Tss," pagsusungit nya.

"Asus, pano mo nalaman? Ikaw, chismoso ka talaga. Sabi na e, may nakatingin talaga samin ni Franz n'on!" natawa ako ng maalala ko 'yon.

"Psh! 'Wag mo ngang banggitin 'yung pangalan ng ungas na iyon." ani Israel at tumalikod.

Naks, nagtampo.

"Ay, tampururot ang baby ko." sabi ko at niyakap sya mula sa likod.

Humiwalay sya sakin at inakbayan ako. Suplado face pa din ang lolo nyo.

Gosh, kinikilig ako!

Nagbaba sya ng tingin sakin at kiniss ako sa noo at tuktok ng ulo ko. Palibhasa ang tangkad neto!

"ID.." pagtawag ko sakanya.

Calling him ID again feels like.. home.

Napahinto sya at tumingin sakin gamit ang mga nanlalaking mata.

"W-what did you call me?" gulat na tanong nya.

Napangisi ako, "Israel Dee." agad syang napanguso.

Inaakit nya ba 'ko?

Hinalikan ko ng smack ang labi nyang nakapout at tumakbo. Hahahaha! Same scenario when I got his, ehem, first kiss.

"Bye, ID! I love you!" sabi ko at nagform ng heart sa mga kamay ko.

Tumalikod na ulit ako at tumakbo papunta sa feild. Lecheng ngiti 'to, ayaw maalis!

Making Him MineWhere stories live. Discover now