Stars pt. 2

2K 52 6
                                    

I know sobrang distorted ng timeline nito. Hayaan niyo na hahahaha

******
A R A

"Hala, ang landi ng pagb-blush mo Victonara!" rinig kong sabi ni Mika mula sa kusina.

"Pagpatuloy mo lang yan, Ara. Magblush ka na dito pero fierce sa labas, para di obvious," sabi naman ni Kim.

Sinamaan ko sila ng tingin, "sino ba kasing nagsabing nagbblush ako?"

Binato ako ni Mika ng unan, "kailangan pa bang sabihin? Eh kitang-kita naman, pulang pula yang cheeks mo oh"

"Sabi na eh, si Thomas lang talaga magpapalambot kay Ara"

"Pasalamat talaga kayo at pilay ako, kundi kanina ko pa kayo pinaghahampas"

Natawa si Kim, "baka naman mahabol mo kami. Bagal mo kaya tumakbo, pilay or no pilay"

"Excuse me?!"

"Okay, you may pass"

Binato ko kay kim yung unan kasama ng isang very crunchy 'gago'.

"Ate Ara, sasabay ka ba sakin sa Yuch? Aalis na ako," sabi ni Des na kabababa lang ng hagdan.

"Ay hala! Sige na mauna ka na, di ko pa nahahanda yung gamit ko eh"

Pagkaalis na pagkaalis ni Des, kumaripas na rin paalis si Kim dahil 'nakalimutan' niyang may klase pa pala siya. Si Mika naman, nag-alok na samahan ako since wala na siyang klase pero tinanggihan ko. Alam ko namang magtetelebabad pa sila nung boyfriend niya.

Umalis na rin ako kaagad pagkaayos ko ng gamit ko. Unlike yesterday, naka-saklay na lang ako today. Natalo lang talaga ako sa pustahan kahapon kaya ako nakawheelchair. Nyeta talaga mga kaibigan ko eh, walang pinapatawad kahit may injury na.

Pagkacheck ko ng phone ko, naalala ko na naman yung lecheng tweet ni Thomas. Masyadong paasa eh. Anong pinaglalaban ng 'how to spot fake news' niya? Sinusupport ba yung tweet ko o opposite?

"Arrgh! Paasa!"

"Mahal ka 'non! Torpe lang," sigaw ni Mika mula sa nasa likod ko lang pala.

Sinamaan ko siya ng tingin, "anong ginagawa mo? Bakit mo ba ko sinusundan?"

"Luh sya, assuming. Iyo tong daan? Iyo? Layas nga, nakaharang ka" sabay pabirong tulak sakin.

Hindi naman malakas pero sinakyan ko na at kunwaring nalaglag ako. Hahaha guilt trip lang.

"Shet ka naman eh! Bakit mo ko tinulak? Yung tuhod ko! Ang sakit"

N

aghintay ako na tulungan ni Mika pero walanghiya talaga at tiningnan lang ako at nginitian.

"Ano, wala ka bang balak na tulungan ako?"

Umiling siya, "wala"

Tumingin siya sa likod ko bago ako nilapitan.

"HALA ARA! AYOS KA LANG BA? MAY MASAKIT SAYO?"

Di ko alam kung anong masamang nilalang ang sumapi kay Mika at biglang nag-inarte ng ganito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now