Poll Three: Paraluman

4.8K 116 35
                                    

To loveleftus2 and loraxsalva, sobrang naa-appreciate ko po kayo and your comments 💚💚 fuzooo charaught.

Syempre lahat po ng nagbabasa, thank you po 😘

Don't expect too much po sa update na to. Medyo parang filler lang kasi 😊✌ lablab

*******

Carol's POV

Alas tres ng madaling araw pero ang mga pipolet, sobrang high na high pa rin. Yung iba may mga final exam pa raw mamaya pero dahil may poll, gora lang daw.

Nako mga bebegurls, very wrong yan. At dahil ako ay isang mabait na nilalang, gagawin ko ang tama. Charaught.

@carolcerveza: Bilang isinusulong ko ang magandang kalusugan para sa lahat, delete ko muna yung poll 😁

Yung pretty eyes ko, sumusuko na gusto ng pumikit. May training pa naman kami. Ge, twitter pa.

@carolcerveza: pero ibabalik ko naman mamaya, kapag disente na yung oras haha. Good night pipoletxz!

Pag-tingin ko sa paligid, puro tulog na teammates ko ang nakita ko. Para ngang may snoring contest eh. Di pa sila sabay-sabay humilik kaya walang mapayapang oras. Pero sanay na eh. Five years ko na yang kasama saka mas malala sila Achi Aby at yung mga MGs. Kagagandang tao, kapag pagod lakas humilik hahaha.

Pero you can never have it all. Maganda na, sporty pa tapos matalino pa. Oks na yung humihilik. Aba, masyado naman ata kaming pinagpala, kawawa naman ang ibang tao. Charaught ulit.

Napansin kong may ilaw pa, malamang galing sa cellphone, dun sa gawi ni Kim.

Ninja moves akong umakyat sa double deck.

Ang negra, nakikipag-text pa! Siningkit ko ang mata ko para mabasa yung text.

From: Anjo Caram
Pero Kimmy, ano talaga mas masarap, Caramello o Roasted Almonds? 😂

To: Anjo Caram
Mas gusto ko yung Caramello hehe. Wag assuming.

From: Anjo Caram
Nice idol, kilig ako haha. Dadaan ako sa dorm nyo mamaya, bigyan kita Caramello 😜

"Enebe"

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa tenga nya, "LANDEEEE!"

Bigla nya akong sinapak sa mukha kaya napabitaw ako sa hawak ko sa railings at nalaglag sa lapag.

Sa sobrang lakas ng impact, napabalikwas yung iba naming teammates.

Feeling ko nabali pelvic bone ko. Taray, alam ko yung pelvic bone.

Pero seryoso, ang sakit huhu

"Ang sakit huhuhu langya naman Kim eh, bakit mo ko sinapak?" Nakaupo pa rin ako sa sahig. Namamanhid na yung pwet ko, di ako makatayo.

"Hala Carol, kaya mo bang tumayo?" Nilahad ni Ara yung kamay nya sa harap ko. Kinuha ko naman yun pero hindi talaga ako makatayo, ang sakit.

Bumaba si Kim, "Bakit ka ba kasi nanggugulat? Alas tres ng madaling araw tapos nandun ka"

Oo na, kasalanan ko na!

Dahan dahan naman akong tinulungan ni Mika at Ara na makatayo. Pero di talaga straight eh, para akong naka-squat.

"Tawagan natin si coach? Baka nabalian ka" suggestion ni Mika.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Ate Cyd at Ate Mowky.

"Oh bakit, anong nangyari dito? Bakit ka naka-squat Carol?" Tanong ni ate Moks.

"Ate, nalaglag galing sa taas ng kama. Sinapak ni Kim" sagot ni Ara para sakin. Spokesperson be.

ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now