The Ultimate Dare II

5.4K 174 34
                                    

Bringing this back :)))

*****

ARA'S POV

"Palitan na natin ng treat or dare yung pangalan ng laro natin" pambabasag sa katahimikan ni Carol.

May point. Anong sense ng truth sa truth or dare kung wala namang truth? Say what.

"Ay Cams, mas witty na si donkey sayo! Akin na yang korona, ililipat ko kay Carolina"

Umarte namang mangiyak-ngiyak si Camille nung kinuha ni Mika yung imaginary crown nya. Na-Colombia! Hahahaha

"Masakit pala. Akala ko akin na pero maaagaw pa pala" taray naman ng hugot!

"Aba saan nanggaling 'yan babs? Lalim ah"

"Eh kasi si Kirell nagloko. May---"

Mabilis na tinakpan ni Camille ang bibig ni Justine, "Shut up!"

Kirell?

"Sinong Kirell, Cess?" Tanong ni Cienne.

"Si Kib Montalbo! Yung---" hindi na naman nya natapos yung sasabihin nya dahil binusalan ng pandesal ni Camille ang bibig nya.

"Oh my Kambal! May something kayo ni Montalbo?! How dare you not tell me this akala ko ba no secrets?" Turn naman ni Ienney na magdrama at may papaypay-paypay pa sa mata na nalalaman.

"Anong no secrets!? Eh hindi mo nga sinabi sakin na kayo na nung Andrew eh!" Andrew naman ngayon? Itong kambal na 'to napaka masikreto.

"Kambaaaal! Bakit mo sinigaw? Sapakin kita dyan eh!"

"Sapakan na yan! Wooooh"

"Hoy Victonara, anong sapakan? Ikaw kaya bangasan ko dyan at aba inday ano pang ginagawa mo dito? Baka nakakalimutan mong last day na ng dare mo!"

Dare. Pakshet naalala ko na naman pinaggaga-gawa ko nung first day. Pinilit nila akong panuorin yung replay ng laro jusme nakakahiya ako. Wa poise.

Jusko tapos para akong high schooler nung nakatingin ako kay Russel bwiset talaga tapos yung sa banner ng HAHA pucha para akong nag-propose sa kanya.

Past is past. Let go. Move on.

Pero di ko makalimutan eh.

Tapos nung second, third, fourth, fifth saka sixth day! Grabe. Daig ko pa paparazzi sa kakapost ko sa social media at paghabol habol kay Thomas. Pero in all fairness naman. Naibabalik na yung dati naming relasyon.

Almost relasyon. joke. Yung closeness lang. Yung may pa idol idol sa twitter ganon.

"Wala naman kayong inuutos so malamang wala akong gagawin. Grabe, dinala ba ni Kib utak mo nung iwan ka nya?"

Hinampas ako ng pagkalakas-lakas ni Camille kaya pulang-pula ang braso ko, "Bwiset. Isa ka pa! Puntahan mo dun sa training nila, magpa-fansign ka hingi ka na rin video greeting for your shippers"

"Oo na! Eto na. Imbyerna kayo sinusumpa ko lahi nyo"

"May sumpa nga ang family namin. Sumpa ng pagiging magandang lahi forever! Hahahahaha" hindi ko talaga maintindihan ang mga kambal. Kanina lang, nagaaway sila tapos ngayon naga-apir pa. Medyo bipolar po ah.

Kumuha ako ng papel at marker sa bag ko. Kay Steph Curry ko lang pinangarap na makapagpa-fansign. Hindi sa isang pogi pero maliit na basketball player na crush na crush ko dati at pinagkait ko pa sa mga kaibigan ko kahit he was not even mine to begin with. Jk .

Joke kasi hanggang ngayon crush ko pa rin sya hehehe.

Joke ulit. Idol is the right term pala.

Sa Razon na ako dumiretso. Sure na sure naman ako na nandun sila dahil may training sila. Supposedly, kami ang gagamit after nila pero dahil wala si coach Ramil, mage-extend ata sila ng one hour at malilipat ng hapon yung sched namin.

ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now