Poll One: Shark vs Bird

7.4K 144 19
                                    

Mika's POV


"Okay mga anak, bawi tayo this time ha. Di natin bibigyan ng kahit isang set ang UST. Naiintindihan?" pagpapaalala sa amin ni Coach Ramil.


Game na namin against UST at dahil na-sweep nila kami nung first round, mas tumaas yung desire namin na talunin sila ngayon. Matitikman nila ang batas ng isang api!


Charot.


"Yes po, coach. Bawi tayo, girls ha! Tandaan lang yung mga ginawa natin sa training, i-apply lang natin. Kaya natin 'to" dagdag naman ng nagpapaka-seryosong si Kim. 


If I know, may gusto lang 'yang patunayan. 


FATUNAYan? Okay, charot lang.


Isa-isa na kaming lumabas para magwarm-up and as usual, kasama ko si daks. Nakakasawa na nga eh, jk.


"Nandyan na naman si Teng, jusko naman po. Di pa ba talaga kayo? Eh kung maka-support talo pa kuya mo!" tanong ni Ara. Na-spot-an na naman kasi yung intsik ko.


"Grabe ha, kapag madalas manuod ng game, mag-on na kaagad? Di ba pwedeng gusto lang i-support ang school? O kaya naman may ibang sinusuportahan? Issue ka ha?"


Napataas ang perpektong kilay ng bruha, "Eh bakit ang bitter ng pagkakasabi mo ng 'may ibang sinusuportahan'? Nako Mika Aereen ah, nagtatago ka na naman ng sikreto"


"Malamang, sikreto nga diba? Bakit ilalabas? Tanga lang, daks? DL ka ba talaga?" at dahil dyan mga kaibigan, isang malakas na hataw ang natanggap ko mula sa come back queen.


Napagalitan kami ni Coach Noel kaya natigil na kami sa inisan at for the first time, natuwa ako na napagalitan kami. Kailan pa ba kasi naging madaldal 'tong kaibigan ko? Epekto ng ACL ganon? Nako wag sana ma-injure si Carol, baka di na matigil sa kaka-dada.


Prrrrrrt


"Ladies and gentlemen, we present you match 36 of the UAAP season 78 women's volleyball. Now, let's meet the starting line up for your University of Sto. Tomas"


Mabilis kaming luminya at naghintay na tawagin ang line up ng La Salle. Medyo marami-rami rin ang nanuod ngayon. Lumelevel sa Ateneo-La Salle! Hahaha.


Pagka-huddle namin sa gitna, mabilis na nag-remind si Kim ng mga dapat naming gawin. Kahit ganyan yan, when it comes to games, talagang serious mode on. 


Unang nag-serve si Kim kaso wide. Agad naman syang humingi ng pasensya. Well, okay lang naman dahil madali pa namang mababawi yun pero pag nagsunod-sunod yari na kay Coach! Perfectionist pa naman yun.


Fortunately, nakabawi kami agad. Lumobo na rin ang lamang namin kaya ang happy ng aura ng side ng court namin. Bago kami bumalik sa bench for the first technical time-out, nag mini huddle ulit kami.


Akala ko seryoso pero, "May chika ako" sabi ni Kim.


ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now