I Found You

8.1K 171 95
                                    

Labyu ate @pam

****

ARA'S POV

Tangina nya!

Pagkatapos ng lahat ng sinakripisyo ko para sa kanya, ganito igaganti nya sakin? Nakakagago lang kasi, sinuway ko si mama para mapanindigan yung relasyon namin tapos ganito?

Meron pa syang 'Vic, binabash na naman ako ng fans nyo' at paiyak-iyak pa. Deserve nya lahat! Dahil sa kanya na-neglect ko yung mga kaibigan ko kasi gusto kong magbigay ng time sa kanya pero nung nagpasabog ata ng kahihiyan, tulog na tulog sya at nagtatago sa kung saan mga lupalop sya nanggaling.

Walanghiya sya! Hindi ko sya dapat iniiyakan eh!

"Vic, tama na. Di nya deserve 'yang luha mo" sabi ni Kim sabay hagod sa likod ko.

"Correction, Ara ang pangalan ko. Siya lang naman ang nagpumulit na Vic dahil mas girly pa raw sa kanya yung Ara" mas maganda naman talaga ako sa kanya. Dinaan nya lang sa kaartehan yung 'ganda' nya. Pinipilit nya pa nga ako na wag ngumiti ng labas brace para hindi sya ma-outshine. Excuse me, cheeks ko pa lang wala na sya. Pasalamat sya mahal ko sya. Ay sorry. Minahal. Past tense.

Ew. Kadiri ka, Ara. Bakit ba ako nagpadala sa babaeng 'yon? Mapilit din kasi sya eh. Pinuntahan pa ako sa Pampanga dati! Malakas loob palibhasa wala si Mama.

Minahal ko ba talaga? O na-pressure lang ako? Lahat ng mga kaibigan ko may mga jowa non at ako naman nganga.

Hay ewan.

"Gusto mong sumama samin sa Prive? May party kasi dun 'yung virtual playground hanggang dalawa ang pwedeng isamang friends, sama kayo ni Kim"

Um-oo kami agad ni Kim sa alok ni Mika. Medyo broken pa kasi 'tong si Fajardo dahil sa paglolokong Tunay ng kanyang ex jowa.

So ganon? Friends forever talaga ang Wafs? Pag single ang isa, susunod na rin yung dalawa? Tsk.

Umakyat kami sa kwarto namin para magpalit. Medyo nakakainis lang dahil kailangan daw dress ang suot. Ano bang meron sa mga bar at kailangan naka-dress?

Pero ayos lang ng makita nila ang sexy kong katawan. Mainggit yung baril na yun, mas sexy pa ako sa kanya.

Kaya lang medyo may pagkarebelde ako (all thanks to she-who-must-not-be-named), hindi ako magd-dress. Kinuha ko sa damitan ni Carol yung binili nya last week na turtleneck white crop top na wala naman raw syang balak na suotin. Sunog pera lang. Hinalungkat ko rin yung drawer ko at hinablot yung black shorts na kay tagal ko ng di nasusuot.

Welcome back, Ara.

Pagtingin ko sa salamin, may kulang eh. May mali pero di ko alam kung ano.

"Sexy mo wafs! Ay wait di na ba wafs? gands na ba?" Patawa tawa si Kim habang nakasandal sa may pinto. Naka button down sya at pants. Ayaw pa magbalik loob.

"Wag gands! Parang gun edi related na naman kay tunog ng baril wag ganon"

"Ara may kulang" alam ko Miks. Di ko lang alam kung ano.

Nakatitig lang ako sa salamin. Ano ba kasi?

"Ah! Yung buhok mo! Omg nasa Taft daw right now si Ate Illa teka text ko papuntahin ko dito" kinalikot nya ang phone nya. Siguro tinext si ate Illa.

Ilang minuto lang ay may kumatok. Kasama niya si Ate Cha. Bff talaga 'tong dalawang 'to eh hahaha

"Wow bebe Ara! Ang pretty mo" bungad ni Ate Cha sabay yakap saming tatlo.

Ngumiti sakin si Ate Illa at nilabas yung makeup kit nya galing sa bag. Okay moment of truth.

Sinimulan na akong ayusan ni Ate Illa. Kinakabahan ako sa kung ano man ang ginagawa nya. Malaki tiwala ko sa kanya, kita naman sa IG nya yung galing nya sa pagme-make up pero ewan kinakabahan talaga ako.

ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now