"Yeah abs cd para kakaiba" Nakangiting sagot ko sakanila.

"Kapag lalaki?" Tanong naman ni mavi.

"Ulysses" Tipid kong sagot napangiti naman sila.

"K----"

"Aha sabi na nga ba dadalawin nyo si kys hindi talaga kayo nag-aaya" Nakangusong sabi ni kiko mula sa pintuan ng bahay ni ayame kasama sila ford na nakasimangot may mga dala silang plastic na may lamang pagkaen.

"Bakit kayo nandito mamaya makahalata si sue wala tayong lahat sa tambayan" Nag aalalang sabi  ni ayame.

"Alam nyang naghahanap kame kay kys kaya hindi yon makakahalata" Sagot naman sakanya ni max.

"Pinapahanap nya parin ako?" Tanong ko sakanila napabuntong hininga sila tsaka silang tumango

"At ang masaklap kame na mismo papatay sayo syempre hindi namin sya susundin kahit lagi nya kameng pinapagalitan bakit hindi kapa namin nahahanap" Sagot ni steven lumakad na sila palapit samin inilapag nila yong mga pinamili nila sa lamesa.

"Nga pala kys ikakasal na si sue pero hindi pa alam kong kailan anong balak mo?" Tanong sakin ni ford bigla namang kumirot yong puso napayuko ako.

"Ano ba ford bakit mo pa tinatanong wala dapat gawin si kys hayaan nyang mag sisisi si sue sa ginawa nyang to!" Galit na sita sakanya ni mavi.

"Nahanap nya ba?" Tanong ko tumango tango naman sila.

"Pero iba parin kutob ko don napakabait nya kapag kasama si sue" Mataray na sabi ni mavi.

"Baka naman sadyang mabait lang sya" Pagtatangol naman ni kiko don sa babae.

"Asus kiko nakakita kalang ng malaki ang hinaharap at sexy pinagtatangol muna" Umiiling iling naman sabi ni kiva.

Nahanap nya na pala so hindi nga talaga ako para sakanya gosh kys dapat maging masaya ka sana hindi nya lokohin yong babae tulad ng ginawa nya sakin at sana maging masaya napabuntong hininga ako dahil akala ko okay na ako parang bumalik yong sakit na nararamdaman ko dati.

"Ayus kalang ba kys?" Tanong sakin ni ford napatango nalang ako tsaka ngumiti.

"Kailangan ko lang siguro magpahinga" Sabi ko sakanila ngumiti ako bago ako tumayo sa pag kakaupo.

Lalakad na sana ako ng biglang bumukas yong pintuan napatingin kameng lahat don.

May apat na lalaking nakatayo sa pintuan nakatakip ang mga mukha nila pero kita ang mga mata nilang galit na galit na nakatingin silang lahat samin agad naman akong nilapitan naging pula na yong mga mata nila.

Sino tong mga to kalaban ba sila isa rin ba sila sa inutosan ni sue para patayin ako? Katapusan naba naming lahat to? Hindi sila pwede madamay dito ayukong may mamatay nanaman ng dahil sakin.

Inalis ng isang lalaki ang maskara nya.

"Lord Filtiarn" Gulat na gulat nilang tawag don sa lalaking medyo may edad na.

Nagulat ako ng lumuhod silang lahat nakatingin lang ako sa may pintuan.

"Kamusta?" Malamig na tanong nita na nakapag bigay kilabot sakin parang nag si taasan ang balahibo ko sa katawa.

"Maayos naman kame lord filtiarn" Sagot ni mavi na halatang natatakot.

"Sino kayo bakit kayo nandito?" Tanong ko sakanila tumingin sila mavi sakin suminyas na lumuhod ako pero hindi ko sila pinakingan.

Napatingin sakin yong lalaki seryoso parin ang mukha nito.

"Parihas na parihas kayo nang iyong ina hindi kayo marunong gumalang saakin" Napakunot naman ako ng noo kilala nya si mama?.

The Last Blood [COMPLETE]Место, где живут истории. Откройте их для себя