KABANATA 6 (THE WEDDING)

4.7K 153 2
                                    

--

**********

*THIRD PERSON's POV*

Tumayo ang lahat ng makitang bumaba na si kys sa sasakyan.

"Ang ganda nya"

"Parang sya si jean"

"Bagay na bagay sa kanya ang gown nya"

"Sigurado kayang sya ang nasa propisiya?"

"Papakasalan ba ni sue kong hindi sya?"

Maraming bulong bulongang naganap sa loob ng simbahan nilang mga bampira.

Hindi nalang pinansin si kys yon kundi mas nangingibabaw ang kabang nararamdaman nya.

Kinakabahan sya dahil alam nyang puro bampira ang mga nandito iniisip nya kong paano sya makakatakas.

Iginala nya ang paningin nya sa paligid lalo syang nawalan ng pag-asa dahil maraming nag kalat sa labas ng kasamahan ng binata.

Habang si sue nakatingin lang siya kay kys nailang naman si kys napayuko nalang ito.

Hindi nya kayang makipag titigan sa binata dahil para syang natutunaw sa mga titig nya

Napatingin sya sa hawak nya napatawa ito dahil nakita nya ang bawang hindi nya alam kong takot ang mga ito sa bawang.

"Bawang ikaw ang pag-asa ko ngayon" Mahinang sabi nya sabang nakatingin sa may bawang tinago nya na ulit yon.

Nang makating na sya sa pwesto ni sue agad namang kinuha ni sue yong kamay ni kys kinabahan lalo ang dalaga.

Sabay na silang naglakad papunta sa altar hindi alam ang gagawin ni kys dahil naiilang sya sa binata.

"Bagay sayo" Tipid na sabi ni sue kay kys feeling ng dalaga ay namula ang pisngi nya kase uminit ito.

"Hi-hindi naman" Nahiyang sagot ni kys tsaka tumawa ng mahina para maitago ang kaba.

"Anong ginawa sayo ni mavi? Bakit ka napapayag? Sinaktan kaba?" Sunod-sunod na tanong ng binata sakanya.

"Hindi nila ako sinaktan pero babawi ako sakanila dadagdagan kopa ng isang lingo ang paglilinis nila" Sagot ng dalaga sakanya napangisi nalang ang binata.

"Mokong kapag ba tapus na ang kasal natin papatayin muna ako?" Tanong nya sa binata napakunot naman ng noo si sue.

"Bakit gusto muna bang mamatay?" Pabalik na tanong sakanya ng binata umiling iling naman agad sya.

"Hindi pa wag mo muna akong papatayin agad" Agad nyang sagot ngumisi lang ang binata sakanya.

Kinabahan naman sya hindi nalang sana sya nag tanong pa.

"Bakit nga pala ang daming bampira sa labas?" Tanong nya ulit kay sue.

"Bantay mo yan kong sakaling mag tatangka kang takbohan ako palabas ka palang hindi kana tuluyang makakatakas" Pagsisinungaling ng binata sakanya.

"Ano namang gagawin mo kapag tatakas ako?" Tanong ulit nya sa binata tumingin sakanya si sue tsaka biglang naging pula yong mata nya.

"Edi papatayin na kita total ayaw mo akong pakasalan diba? mas okay pang patayin kita para walang makinabang sayo" Napalunok ang dalaga at lalo kinabahan dahil sa sinabi ng binata sakanya.

Tumawa nalang ang dalaga para hindi halatang natatakot sya sa binata pinagpawisan yong kamay nyang may bawang.

____

The Last Blood [COMPLETE]On viuen les histories. Descobreix ara