"Hoy Shiela bilisan mo diyan! Baka wala ng matirang snacks doon!"
"Agag ka Emily! Lamay pupuntahan natin. Respeto naman sa patay oh."
"Manahimik nga kayong dalawa! Eto oh." At binigyan ko sila ng tig-iisang flashlight.
"Kaja!" Sabi ni Shiela.
~~~
"Mga bayoooot! Nakakatakot naman dito"
"Manahimik ka nga Emily! Hindi naman--- KYAAAAAAH!"
Kumaripas ng takbo si Shiela ng nakarinig siya ng parang nagdadabog na tunog.
"Haysss... Sa totoo lang Emily pwede nang sumali si Shiela sa 100m dash"
"Oo nga" Napakatakutin naman ni Shiela eh pusa lang kaya yun na bumaba sa isang bubong.
~~~
"Ang tagal niyo naman!" Sabi ni Shiela.
"Wow ha! Sorry naman kung hindi kami kasingbilis mong tumakbo" Sabi ko at napairap naman siya at si Emily tumawa lang.
"Tara na sa loob!"
"Oh Emily ikaw pala yan. Hali kayo at pumasok na kayo" Sabi ng isang babaeng nasa forties na.
"Nakita niyo po ba ang mama ko?" Tanong ni Emily sa babae.
"Ay oo nandun si Edelina sa kusina"
"Sige po" Sabi ni Emily.
"Ay dito muna kayo't bibigyan ko kayo ng makakain niyo."
"Okay po." Sagot namin at umupo sa isang bakanteng lamesa.
"Sino nga ang namatay?" Tanong ko.
"Yung anak ng babae kanina" sagot ni Emily.
"Oh eto na kumain muna kayo"
"Condolence po pala" sabi namin. At ngumiti naman ang babae sa amin.
"Sige maiwan ko muna kayo ah" paalam ng matanda sa amin.
"Libreng pakain!" Mahinang sabi ni Emily. Juskooo ang takaw talaga! Agad akong uminom sa mainit pa na tsokolate. Sarap!
Pakatapos naming kumain ay nag kwentuhan kami at naglaro ng baraha. 1,2,3,4 Pass ang nilaro namin kaya ang ingay-ingay namin.
"Yotsss!"
"Ano?" Sabi ko.
"May gwapo oh!" Turo ni Shiela sa isang lalakeng nakaupo sa isang motorcycle. At ng tumingin ako dun nagtama ang aming paningin kaya agad akong umiwas.
"Ano ka ba! Manahimik ka nga!"
"Elisa! Tumititig siya sayo oh!" Impit na tili ni Emily. Napatingin naman ako sa lalake at nagtama ulit ang mga mata namin ngumiti siya sa akin kaya binalik ko ang tingin sa mga kalog kong kaibigan. At para silang mga bulateng binudburan ng asin, nangingisay sa kilig. Jusskoooo mga above normal talaga!
"OHEMGEE OHEMGEE OHEMGEEE!!! pag-ibig na ba ituuuu" sabi ni Shiela.
"Magkakalove-life kana bayootsss!!"
"Tumahimik nga kayo! Ako ang nahihiya para sa inyo eh" Sita ko sa kanila.
"Wag kanang pakipot bayeeet! Support lang kami! Go Go Go!!" Haysss mga luka-luka talaga! At di ko naiwasang sulyapan ang kinaroroonan ng lalake pero wala na siya doon.
~~~
"Mga bayeeeeet! Uwi na tayo. Antok na antok na talaga si aqoh"
"Tara na! Anong oras na oh!"
Napatingin naman ako sa relo ko. 12 AM sharp na pala.
"Pero tingnan muna natin ang patay at magpaalam baka sundan niya tayo" Sabi ni Shiela. Nakuuuu napakatakutin talaga!
"Sige" pagsang-ayon naman ni Emily. Agad kaming pumunta kung saan nakalagay ang kabaong ng namatay.
Pagtingin namin sa kabaong...
"Tang...ina" Sabay naming sabi at nagkatinginan kaming tatlo.
ANG TAONG NASA KABAONG AY ANG LALAKENG NAKITA NAMIN KANINA!!!
The End.
