Chapter 27: Take Care Of Her

1.1K 31 4
                                    

Naguluhan kayo sa past chapters no? Nako, pag tapos nitong chapter na to, alam niyo na yung ending panigurado.

-----------------------

Dawn's POV

Grabe lang maglaro tong si Charlie, sabi ko magligpit at bumaba kasi kakain ng snack tapos pag akyat ko tulog pala. At ang masaklap, katabi lahat ng laruan niya. So mommah duties, tagalinis ng laruan. Iiwan ko na lang siguro dito yung snack so in case magising siya. Di na siya maghahalungkay ng kung ano sa ref. 

Kamusta ako after nung sa vacation? 

Ayun, pinagmukha akong tanga ng mga tao sa paligid ko. I mean, hindi ko naman sinasadyang maoffend sa mga patutchada nila eh. You can't teach your feelings, matic na yan. Kung naoffend ka, edi naoffend ka. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na nagpapakaplastik, at dahil ayaw ko rin sa mga taong sinungaling at paglalaruan lang ang nararamdaman ko. Oh ang lalim noh? hahaha! 

Si Krissy at Twinnie? Ewan ko sakanila, nagpalit ako ng number after nun kasi halos mag hang na phone ko sa kakatawag nila. Kairita. 

Anyways, mag sa-snack muna kami ni Tonton. Pero guys, di niya alam yung nangyaring dare ha? subukan niyong magsumbong tepok kayo sakin!

~~~~~~

Pumunta na si Dawn sa garden kung saan may lamesa at upuan na yari sa bato at may nakahain na pagkain. Inaantay naman ni Tonton si Dawn para kumain ng meryenda.

Tonton: What took you so long? Asan si Charlie?

Dawn: Akala ko naman nagaayos ng laruan niya. Hindi pala! Ayun, she fell asleep sa piling ng kanyang pinakamamahal na laruan *Tumawa*

Tonton: Drama. *Sumubo sa isang slice ng cake* Woah. This is good!

Dawn: You know me too much! *Sumubo rin* 

Tonton: *Nakaramdam ng sakit sa kaliwang parte ng ulo* 

Dawn: *Nagtaka* Hey. Hon, okay ka lang? *Hinawakan ang kamay ni Tonton*

Tonton: *Hindi pinahalata dahil ayaw na magalala si Dawn* Ah yeah, kinagat lang ng langgam. *Ngumiti*

Dawn: *Nagaalala* Sure ka?

Tonton: *Ngumiti* Yep! Kain ka na. *Sumubo ulit ng cake*

Dawn: *Sighs with relief* Okay. *ngumiti*

Somewhere down the road patungong SM.... 

Joke.

Magkakasama ngayon si Twinnie, Krissy at Richard na mukhang namatayan dahil sa mga itsura nila.

Twinnie: Ano? Sumagot na? *Malungkot na tanong*

Krissy: Nagpalit na siya ng number. *Nakatungong sagot*

Twinnie: Kung alam ko lang na maooffend siya edi sana hindi ko na ginawa yung truth or dare na yan. *Nagpunas ng luha*

Krissy: Pano tayo magsosorry ngayon? *Tumingin kay Richard* May idea ka?

Richard: Try kaya nating pumunta sa kanila? 

Twinnie: Wag andoon si Tonton, wala siyang alam sa ginawa namin. Magaaway sila ni Dawn.

Richard: Then yayayain kong lumabas si Tonton at magpahangin. Saglit lang naman yun eh! Then kausapin niyo na si Dawn.

Krissy: *Parang naliwanagan ang buhay at ngumiti* OMG! you're a genius! Okay okay, text mo na si Tonton daliii!

Twinnie: Hope this will work! 

Krissy: Gaga, wag ka ngang nega! 

At ayun na nga, ginawa na nila agad ang plano hanggat maaga pa. At dahil marami pang kaganapang mangyayari ifafast forward ko na.

Lovers Turned To Strangers (CharDawn)Where stories live. Discover now