Chapter 22: Ring.

1.1K 26 7
                                    

Tanghali na at nagaayos sila dahil papunta na ang wedding planner para sa motif at kung ano ano pang kaechusan.

Dawn: Tonton!!!! *Sigaw mula sa kusina*

Charlie: *Naglalakad papunta sa kusina* Ma, why are you ----- *May nakita* Waaaaaaaaaaa!!!! *Tumakbo pataas*

Tonton: *Mula sa labas, kumaripas ng takbo papasok* Ano yun?

Dawn: *Natataranta* M-a-May- May ipis! *Tinuro yung gilid ng ref*

Tonton: *Napalitan ang taranta ng ngiti* Jusko naman Dawn! Ipis lang yan oh! Kaloka!

Dawn: *Napatingin kay Tonton* Maygad Tonton.

Tonton: *Lumapit kay Dawn* Bakit?

Dawn: *Lumayo ng konti* You sounded gay. Gosh.

Tonton: *Tumawa* OA mo. Pinatatawa lang kita. Makareact ka naman kasi sa ipis! *Napatingin sa gilid ng ref.* Oh. Umalis na eh.

Dawn: *Napatingin sa gilid ng ref* Hay thank God. *Umupo sa upuan* Wala pa ba si Ms. Abby?

Tonton: Wala pa. Masyado kang excited. *Tumawa*

Dawn: Eh kasi naman. Sino bang hindi? 

DINGDONG!

Tonton: I'll get it. *Binuksan* Oh Ms.Abby, come in!

Ms.Abby: Hi, siguro naman nakapagisip na kayo para dere-deretcho tayo? *Tumawa*

Tonton: Excited na nga si Dawn. 

Nag-settle na silang lahat sa living room at bumaba na din si Charlie mula sa itaas nang makakalma ito ng dahil lang sa ipis.

Charlie: Hay, good thing the cockroach went away or else I'll be staying in my room till dinner.

Dawn: At dahil nandito si Charlie, I guess we have to speak the language she knows. Hirap na, baka magnosebleed yung bata sa Tagalog. *Tumawa*

Tonton: Onga onga. Kawawa naman. *Tumawa*

Ms.Abby: Okaaaaay, shall we start? *Bubuksan na sana yung envelope ng biglang may nagdoorbell*

Dawn: Oooops, I'll get it. You guys go on. I'll be quick as a bunny, Tonton could handle such things. *Ngumiti at pumunta sa pinto*

Tonton: Come on let's start! 

Charlie: Time to bring out my Dawn Guidotti Fashion sense *Nginitian si Tonton at Ms.Abby*

Meanwhile pag bukas ni Dawn ng pintuan, sa hindi inaasahang oras at araw. Nakita niya ang taong hindi niya inasahang alam kung taga saan siya.

Dawn: *Nagulat* Richard?!

Richard: *Ngumiti* Hi Dawn.

Dawn: *Di mapakali* Uhmm... Ah... Ba't nandito ka? Pano mo nalaman na dito ang bahay ko? 

Richard: *napangiti lalo* Kalma. Una, may ibabalik ako sayo. Pangalawa, ikaw yata ang pinakasikat na tao sa Paris ngayon kaya malamang malalaman at malalaman ko kung nasan ka.

Dawn: *Di parin komportable* Ah... Ano bang ibabalik mo? 

Richard: *May kinuha sa bulsa* Napulot ko sa place kung saan tayo nagpicnic. Sure ako na sayo yan.

Tila, nagulat si Dawn sa nakita.

ITS THE RING RICHARD GAVE HER.

Dawn: *Nagulat* Ohmygosh. *Kinuha ang singsing* Thank you! Kaya pala hindi ko siya mahanap kagabi! All this time it's with you. Thank you! *Unexpectedly, nayakap niya si Richard*

Lovers Turned To Strangers (CharDawn)Where stories live. Discover now