Chapter 9: Leaving

Start from the beginning
                                    

"Hindi na namin itutuloy ang kasal niyo."

--

"What?!"

"Tita did what?"

"Ayaw niya na talaga ituloy Pau.. Hindi ko na alam.." umiiyak kong sambit sakanya.

Pag katapos nang usapan namin ni Mommy ay dumiretso agad ako sa bahay ni Pau. Kailangan ko lang talaga siya ngayon.

Mas lalo akong napahikbi nang niyakap niya ko.

"Mahal mo na noh?"

Tumango naman ako.

"Sinabi ba ni Tita na ayaw niya si Jungkook para sayo..?"

Napahikbi naman ako lalo nang sinabi niya yun.

"Ayoko ng makikita ka pang kasama ang lalaking yun!" malakas na sigaw ni Mommy sakin.

"But why? Kayo yung naglapit sakin sakanya.. Then you're doing this?! Kung kailan mahal ko na yung tao..?" napaawang ang labi ko nang sinampal niya ako at iniwan magisa sa living room.

"Ayaw niya kay Jungkook.. Ang gulo Pau.. Hindi ko na alam." i cried.

Nagbiyahe nalang ako pauwi pagkatapos ko pumunta kay Pau. Ayokong makita ni Jungkook na umiiyak akong ganito. Lalo na't isa siya sa mga dahilan.

Lugmok na lugmok akong dumating sa bahay. Gusto ko na siyang makita. Baka kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

I love him so much. And I'm willing to sacrifice everything for him.

Because right now he's my dream.. My only dream i want to have for the rest of my life.

Sobra ba ko magmahal? Okay lang naman yun diba? Mahal niya din ako. Mahal namin yung isa't isa.. And i think, it's enough.

Pag kadating ko sa bahay ay nakalock yung pinto.

"Jungkook?" tawag ko pero walang sumasagot.

Tulog na ata siya kakaintay sakin. Napagpasyahan kong hanapin nalang yung duplicate key ko sa bag. Sana lang nandito.

"Nasan na ba kasi yung susi ko..?" bulong ko habang hinahanap sa bag ang susi ng bahay.

Nang makita ko iyon ay dahan dahan kong binuksan ang pinto at nabitawan ko ang bag na hawak ko sa gulat.

"J-jungkook.." bulong ko at sabay sabay na tumulo ang mga luha ko.

"R-rea.." napatakip naman agad ako sa bibig ko sa gulat.

Naghahalikan silang dalawa sa harap ko.. Binabangungot ba ko?

Nang matauhan si Jungkook na nasa harap niya ako ay halos tulakin niya si Rea palayo.

Parang dinurog yung puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Dianne.." tawag niya sakin triny na hawakan ang kamay ko.

"Bitawan mo ko." mariin kong sambit at pilit na inaalis ang kamay niya sakin.

Iyak siya ng iyak ngayon sa harap ko.

"Dianne.. Let me explain.. Please." pag mamakaawa niya.

"How could you do this to me..?" iyak ko sakanya.

"Minahal kita ng sobra.. Bakit kailangang panggagago yung ibabalik mo sakin..?"

"Tangina! Minahal kita eh... Minahal kita.." ulit uli kong sambit.

"Baby, I'm sorry.. Please lets talk." pagmamakaawa niya.

"We're done. Ayoko na." mariin kong sambit at marahas na inalis ang kamay niya sakin.

"Dianne.. Please! Let me explain." paulit ulit niyang sambit at lumuhod sa harapan ko.

Wala kong maramdaman. Ni awa.. Kahit pagmamahal. Hindi ko na maramdaman. Tangina, ang sakit.. sobra.

Napatingin naman ako kay Rea na nakatingin lang samin. Pero wala kong magawa. Hindi ko siya kayang saktan.

Ganon ba ko kahina..?

Tinulak ko siya palayo at umalis na. Hinabol pa niya ako at niyakap.

"Bitawan mo ko!" sigaw ko.

"I can't, please don't do this." umiiyak niyang sambit.

Parang mas nadurog ang puso ko nang narinig kong humihikbi na siya.

"Kung mahal mo talaga ko.. Palayain mo ko Jungkook.." nanghihina kong bulong.

Unti unting kumirot ang dibdib ko nang inalis niya ang yakap niya sakin. Nang nakawala siya sa yakap ay tumakbo na ako at hindi na lumingon pa.

--

"Uy bunsoy! Okay ka lang?!" nagaalalang tanong ni Kuya sakin nang makapasok ako sa bahay pero hindi ako makapagsalita.

Gusto ko lang umiyak nang umiyak.

"Kaye.. What happened?" nagaalalang tawag ni Ate sakin.

"Please book my flight to US for tomorrow." sambit ko.

"WHAT THE HELL KAYE DIANNE!? WHAT HAPPENED?!"

Tinignan ko naman siya sa mata. Puno ng pagaalala ang mga mata ni Ate parang gusto niyang patayin yung nanakit sakin.

"I'm leaving." diretso kong sambit.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now