[72] #100STHHHulingHiling

Start from the beginning
                                    

Hindi ko napigilan. Naiyak ako. Hindi naman napapagusapan 'to eh. Hindi siya deretso magtanong.

"Paano kung hindi ko maibigay sa'yo yung 'Forever'? Paano kung sa huli masasaktan ka lang? Paano kung masaktan kita ng sobra? Hindi ko yun kay, Hope kasi sobrang mahal kita. Ayaw kitang masaktan." Bigla niyang pinagsusuntok yung pader na katabi niya.

"Enzo, please. Enzo—"

"Paano pag masaktan kita?! Paano pag mawala ako tapos umiyak ka ng umiyak!? Ano pang magagawa ko?! Ano pa!? Hope, sorry. Sorry ang selfish ko. Sorry. Please patawarin mo ako, Hope."

"Enzo please kumalma ka. Hindi 'to mabuti sa'yo please. Kumalma ka—"

"See. Ito. Palagi na lang ikaw ang nagaalala. Paano naman ikaw? Palagi mo akong iniisip. Paano ka, Hope? Kailan kita mapapasaya? Kailan kita hindi pagaalalahanin?"

Tumigil ako sa pagiyak at tiningnan ko siya ng deretso.

"Alam mo wala akong reklamo kapag inaalagaan kita, wala akong pakialam kung palaging ako, pero may pakialam ako kapag iniisip mo na hindi mo ako napapasaya o wala kang nabibigay sa akin. Maiinis talaga ako sa'yo pag iniisip mo yan. Oo, hindi ako ganoon katalino, pero sa lahat ng maling desisyon na pinili ko, yung ikaw ang piliin ko, yun yung kaisa isang desisyon na hindi ko pagsisisihan. Oo, minsan mahirap. Minsan masakit. Minsan hindi ko maalis sa isip ko na paano kung bukas wala ka na? Paano kung bukas hindi na kita makita? Paano kung yung oras na magkasama tayo yung last na magkasama tayo? Palagi akong natatakot, Enzo. Pero dahil doon, narealize ko, na kaya ako takot na takot kasi mahal na mahal kita. Takot ako mawala ka kasi gusto kong kasama ka. Pero anong mangyayari kung puro ako takot? Wala. Kaya mas nagiging mas importante sa akin yung bawat oras na magkasama tayo."

Bigla niya akong niyakap.

"I don't know what I did in my past life to have you in this life. Alam ko sobrang cliché, sobrang cheesy, pero hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka. Sobrang positive mo, sobrang puro energy lang ang binibigay mo. Lahat ng wala ako, napupunan mo. Lahat ng pagaalinlangan ko, inaalis mo. Thank you, Hope."

Niyakap ko siya pabalik. Magkayakap lang kami. Walang nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit pero ganito yung pakiramdam na sobrang sigurado mo sa isang tao, na yung presensya lang niya sapat na. Naramdaman niyo na ba yun? Yung hindi niyo na kailangan magsalita para sabihin na mahal niyo ang isa't isa. Kahit tahimik, kahit walang nagsasalita, basta magkasama kayo sapat na.

Maya maya pa hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami sa buong school

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maya maya pa hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami sa buong school. Napadpad kami sa cafeteria.

"Hoy! Diyan ka palagi ka kumakain oh! Yan yung table mo, tapos yun yung akin" sabay turo sa table na nasa may bandang kanan. "Oha, perfect view. Perfect na kita kita, pero hindi masyadong halata na O.A yung pagstalk ko sa'yo." Sabay tawa ko na proud na proud ako sa mga fangirl skills ko. Tumawa din siya.

"Are you proud? I always see you kaya looking at me." Napatigil ako.

"Seryoso ba?! 4 na taon kita tinitingnan, pero wala namang time na nakita kong nakatingin ka din?!"

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now