-41-

14 3 0
                                    

Cont.

"Babes.. ayos ka lang?" Napaangat ako ng tingin.

"Ha?"

"Ayos ka lang ba kako? Parang ang lungkot mo kase eh." Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at tumingin ng deretso sa mga mata ko. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. "May masakit ba sayo babes? Sabihin mo lang. Dadalhin kita sa clinic.." nag alalang sabi nya. Napangiti ako.

Mahal ko talaga sya.

Siguro yung naramdaman ko lang kanina, walalang yun. Hindi ako pwedeng magkagusto sa dalawang tao. Isa lang ang puso ko hindi dalawa.

Si Carlo lang ang mahal ko..

.. Ata.

>>.<<

'Ba't may ATA Desiree?! Hindi ka sigurado?!' Napapikit ako.

"Ayos lang ako, Carlo. Don't worry about me." Sagot ko at hinawakan ang kamay nya kaya napangiti sya.

Kumain kami ni Carlo. Nakisabay din samin sina Earl at Natasha. Sila pa din, walatalagang tumitibag. Kitang kita sa mga mata nila na mahal nila ang isa't isa.

Napatingin ako sa magkahawak na kamay namin ni Carlo.

'Sana walang bumitaw satin, Carlo.'

Bumalik din kami agad ni Carlo sa room dahil may sunod pa kaming subject.

"Babes.." tawag sakin ni Carlo habang may nagtuturong teacher sa room namin. Hay nako, hindi talaga sya nawawalan ng sasabihin. Mas mainagay pa sya saken. Hahaha.

"Bakit?" Sabi ko habang nakatingin pa rin sa teacher namin.

"May sasabihin ako sayo." Mahinang sabi nya.

"Ano yun?" Tanongko. ano nanaman kayang sasabihin neto?

"Tumingin ka sakin, ibubulong ko." Tumingin ako sakanya. "Lapit mo yung ulo mo sakin kaya. Ang layo mo. Pano ko ibubulong yan?" Ano ba nmn toh. Bat kase hindi na lang sya ang lumapit eh. Lumapit ako. "Lapit ka pa." Bulong nya, tch. Inilapit ko ang ulo ko sakanya. Mga 3 inch na lang.

"Ano ba kase yung sasabihin-"

*TSUP!*

O______O

>////////<

What the--!

"I love you, Babes heheehe." Binatukan ko nga! "Aw!" Mahinang daing nya.

Bwiset toh! Kitang nasa gitna kami ng klase hahalikan ako bigla! Juskoooo!

"Ms. Yvarra?" Napatayo ako bigla ng marinig ko ang apelyido ko. Shems. Nakita kaya iyon ni Ma'am?! Ohmygas!

"M-Maam?"

"Pwede ka bang sumaglit sa clinic? Ibigay mo ito sa nurse doon. Sabihin mo, pinapabigay ni Mrs. Gonzales." Inabot saken ni Ma'am yung first aid kit. Kaya agad akong lumapit at kinuha iyon. Palabas na sana ako nang magsalita si Carlo.

"Ma'am pwedeng sumama?"

"No, Mr. Yu."

Napanguso si Carlo at napaupo. Nginitian ko na lang sya bago lumabas.

Dumiretso ako sa clinic. Hindi naman ganun kalayo ito. Mga dalawang building lang ang lalagpasan, tas dun na.

Pumasok ako sa clinic, at walang masyadong tao dun. Tatlo lang ang nakita kong nasa hallway.

Hindi ko alam kung bakot parang gusto kong lumingon sa kwartong lalagpasan ko na, kayahindi ko na napigilang mapalingon don. Nakabukas ng konti ang pinto kaya agad kong nakita ang nasa loob non.

-I Fell In Love With My Cassanova Boy-Where stories live. Discover now