-7-

25 2 1
                                    

Cont.

"Wala ba akong kiss dyan?"

Natigilan ako at agad na pinamulahan ng mukha.

'K-Kiss?'

>////<

Hinampas hampas ko sya hanggang sa magkapasa sya, joke. Nabibiwisit talaga ako, dahil andami nyang alam! Puro sya banat!

"Bwiset ka! Anong kiss!? Gusto mo bang makipaghalikan sa lupa ha!?"

"Aw!--aw ayoko syempre! Ikaw lang gusto kong halikan hindi yung lupa--araay!"

Binatukan ko sya!

"Umuwi ka na nga! Hindi ko alam na napakakorni mo palang tao! Hayst. Maghanap k na lang ng ibang babaeng hahalikan mo, dahil ako? Hindi ko ibibigay sayo ang first kiss--"

*TSUP!*

O_____O

'What the..'

>>.<<

"Goodnight, Nerd. " sabi nya pagkatapos nyang halikan ako.

Samantalang ako tulala pa din.

Hindi ko sya sinagot at agad na lumabas ng kotse nya na namumula.

Hinalikan nya ako..

Sa noo.

First time ko iyon but I find it sweet.

Ang pinakamasarap at pinakamagandang halik ay ang halik sa noo. Kase dito nya pinapakita ang respeto.

Pumasok ako sa bahay, agad ko namang nakita sina Mama at Papa na natutulog sa sofa nang magkaakbay. Nakabukas pa ang Tv, panigurado nakatulugan nila ang panonood.

Napangiti ako at tahimik na sinara ang Tv. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto, nagbihis. Kumain na din ako, at ginising sina Mama para makatulog sila ng komportable sa kwarto nila.

Nagising ako kinaumagahan, maaga akong pumasok gaya ng dati.

"Mag iingat ka, Anak ha. Mag aral ng mabuti." Hinalikan nila ako sa noi bago umalis.

Pagkadating ko sa room, wala pang tao. Naupo ako sa upuan ko at nagbasa muna habang wala pang tao.

"Nerd!" Nagulat ako sa biglang nagsalita.

"Carlo."

Agad syang lumapit sakin at bigla akong hinalikan sa pisngi!

>////<

"Goodmorning." Nakangiti nyang sabi. Naiilang akong ngumiti.

"G-Goodmorning." Hindi ko pinanain ang biglaang paghalik bya saken at bumalik sa pagbabasa.

Naupo sya sa tabi ko at tinitigan ako habang wala pa kaming kaklaseng dumarating.

"Bakit kahit mukha kang manang, ang ganda ganda mo pa din sa paningin ko?"

O////O

"H-Hindi ko alam. May sira lang siguro ang mata mo." Nakangiti syang iling habang nakalagay ang baba nya sa kamay nya.

"May tanong ako.." tumingin ako sakanya. "Ba't ilag ka sa mga tao?"natigilan ako.

"T-Takot akong mahusgahan." Maikling sagot ko. Tumango tango naman sya.

May tanong ulit ako.." hindi ako sumagot at hinayaan lang sya. "Ba't ganyan ka manamit?"

"G-Gusto kong maging simple lang."

"May tanong ulet ako."

'Andami naman netong tanong.'

"Ba't ang bait mo?"

"Ganun kase ko pinalaki ng magulang ko." Tumatango sya. "Ano? May tanong ka pa ba?"

"Pagnagtanong ba ako.." hinintay ko ang sasabihin nya. Nagulat ako nang hawakan nya ng kamay ko at pinagsiklop.

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

"Sasagutin mo ba ako?"

'Pag nagtanong ba ako.. sasagutin mo ba ko?'

'Pag nagtanong ba ako.. sasagutin mo. ba ko?'

'Pag nagtanong ba ako.. sasagutin mo ba ko?'

'Dalawang meaning..shet.'

>////<

R E P L Y.  H E R E
Vote
#REPLYBOXPOLICY

-I Fell In Love With My Cassanova Boy-Where stories live. Discover now