Chapter 11 (Status: In Relationship)

Start from the beginning
                                    

Maya-maya pa ay dumating si Trent na may dalang anim na pingaan,  siyempre may lamang pagkain. Umupo siya sa tabi ko.

“Thanks Trent.” Sabi ko nang ilapag niya ang isang pinggan sa harap ko.

“No problem, Ashia.”

Habang kumakain kami ay kinukulit na naman ako ng kambal.

Mukha ni Shawn habang kumakain kami ->  (-_-)++

Problema niya?

Anyway, dahil gutom pa ako ay kumuha pa ako ng cake.Naksalubong ko naman si Peter nang pabalik na ko sa mesa namin.Siya yung nanliligaw sakin na sasagutin ko na sana kaso si Shawn kasi ee! Yan tuloy nauna ko pang sinagot si Shawn kesa kay Peter.

“Hi Ashia, balita ko kayo na pala ni Shawn Alcaraz?” Sabi ni Peter. Akmang sasgot na ako nang biglang may umakbay sakin at nagsalita.

“Bakit, may problema ka?”

Hindi ko na kailangan pang tignan kung sino ang nagsalita.Kilalang kilala ko na ang boses na iyon.

“W-Wala. A-Alis na ko.”nag s-stammer na sabi ni Peter saka dali-daling umalis.

“Shawn naman eh. Tinakot mo iyong tao.Umalis tuloy.” Sabi ko kay Shawn nung pabalik na kami sa pwesto namin.

Nagkibit-balikat lang siya habang ngumingiti.

Sheeemay! Iyan na naman ang ngiti niya.Nawawala tuloy inis ko. >.<

Pagbalik namin sa mesa ay kinain ko na agad yung cake ko habang nag-uusap silang lima. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila kai tungkol sa mga Gang fights.

“Ano susunod mong klase?”maya-maya pa ay tanong sakin ni Shawn.

“Wala. Vacant namin.”-ako

“Doon ka na muna sa 4-D.”-Shawn

Hala doon sa magulong classroom ng 4-D? Ano naman gagawin ko dun? Pero kasi matagal ko nang gusting pumasok dun eh.

“Okay” –ako

Pagpasok pa lang namin sa classroom ng 4-D ay kapansin-pansin na agad ang mga silya na nakakalat. Hindi naman madumi ang classroom kaso nga lang ang daming papel na nakakalat kasi nagbabatuhan ang mga studyante.

“Wala ba kayong klase?” tanong ko kay Shawn.

“Palagi” –Shawn

Kailan ba niya hahabaan ang sagot niya sakin? Ganyan ba talaga siya magsalita? Palagi nalang maikli ang sagot niya. Psh.

At dahil nga magulo ang mga upuan ay sa mesa na lang ako ng teacher umupo, wala naming teacher eh hehe.Si Shawn naman ay kumuha ng armchair at at inilagay iyon sa harapan ko saka umupo. Sina Ren, Trentat ang kambal naman ay dumiretso sa grupo ng mga studyante at nakipagkwentuhan.

Pagtingin ko ulet kay Shawn ay nakapikit na siya habang nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng silya at merong headphones.

“Shawn” tawag ko sa kanya pero nakapikit pa rin siya.

Nice. Pinapunta niya ako dito para tulugan?

“G@go ka! Ako nga nakaupo jan eh!”

“Ako nauna dito kaya mas g@go ka!”

“Ano?! Suntukan ulet tayo?!”

The Gangster Meets The Playgirl [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now