BLOOD 47: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (8)

Start from the beginning
                                    

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Kuya. Umiiyak ako ng sobra. Ni hindi ako makapagsalita sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Lalong nadaragdagan ang galit ko kay Kuya at sa kanya. Lalo na noong nakita ko ang mga katawan ng  aking mga kasama kanina. Napalitan ang bawat puwang sa puso ko ng lungkot at galit. Lungkot sa pagkawala nila Niell at galit sa mga taong kaharap ko ngayon.

“Siya nga pala. Ako si Lia. Hindi ko na sasabihin kung ano ako pero sasabihin ko pa rin sa iyo na, binabati kita sa iyong kaarawan ngayon.” Sabi niya at ngumiti sa akin.

Napuno ako at sinugod sila gamit ang nakatagong punyal na nakapa ko sa sa tagiliran ng ni Niel. Ngunit laking gulat ko ng bigla niya akong hinawi ni Kuya Samuel. Hindi niya ako hinawakan. Ginamitan niya ito ng kanyang kakayahan sa  hangin.

Doon ako nasaktan. “Bakit Kuya?” Nasaktan ako ng sobra sapagkat hindi ako naniniwala kanina na si Kuya Samuel ang lalaking iyon. Pero ng ginamit niya ang kakayahang iyon, napatunayan ko na siya ang taong iyon. “Bakit?”

Damang dama ko ang kirot sa aking balikat habang pupungay-pungay ang aking mata na nakatitig sa kanya. “Anong nangyari, Kuya?”

Hindi siya sumagot pero nakita kong mula sa ordinaryong mata niya ay nagkulay berde ang kanyang mata. Kumunot din ang noo nito ngunit nawala kaagad ng bigla. 

“Masakit ba, Thryna?” Sabi ni Lia sa isang tinig na tila nanunukso. “Simula pa lang ito.”

 

 

 

 

 

 

 

Magsasalita sana ako ng bigla na lamang akong nakaramdam ng sakit sa iba’t ibang parte ng katawan ko. Napahiga ako sa sahig at gumulong gulong sa sobrang sakit. Napagawi ang tingin ko sa bagay na nasa harapan ko. Saka lamang akong natauhan na humagis pala ako sa bintana kung saan nakakaalpas ang sinag ng buwan.

Masakit ang buo kong katawan at para akong paralisado. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari. Bakit ganito kasakit? Napagawi ang mga mata ko sa dalawang taong nasa harapan ko kanina. Naaninagan ko ang isa pa ang isang anino gawing likod nila. Nakita ko rin ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Lia. Tila hindi niya inasahan ang nangyayari.

Sa loob-loob ko, mabuti nga at ngayon ako magbago ng anyo sapagkat magagamit ko ito upang maging mas malakas sa kanila. Higit na malakas laban kay Kuya Samuel.

Ngunit bago pa man ako magbago ng anyo, naging tatlong tao ang nahagip ng paningin ko.

Si Lia ang isa.

Si Kuya Samuel ang isa…

Ngunit sino ang pangatlo?

Bago pa man ako mawalan ng malay ay nakarinig ako ng mga galabugan na tila may naglalaban. Mula noon, hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.  

============================

AN: Let us go back to reality na. :))) 

CONCEALED VAMPIREWhere stories live. Discover now