BLOOD 47: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (8)

Start from the beginning
                                    

Halatang naghatid ng kaunting kirot iyon sa babaeng iyon. Kitang-kita sa pagkunot ng kanyang mga mata pero kaagad nawala iyon.

“Ganun ba? Hindi bale. Patay na naman siya. Namatay na naman siya.” Paglilinaw niya. Doon ko muling naalala na wala na si Niell pero sinubukan kong ipakita na malakas ako.

“Oo. Patay na siya. Pero hindi mo pa rin maaalis na kami pa rin ang para sa isa’t isa. Kaya kahit pumanaw at patayin mo ako ngayon, hindi iyon mabubura!” Balik na sabi ko.

“Alam ko naman iyon.” Sabi niya pa, “Kaya nga hindi kita papatayin. Para maramdaman mo ang lahat ng naramdaman ko.” Dagdag niya.

“Bakit hindi mo matanggap  na masaya kami ngayon?” Sabi ko.

“Sapagkat hindi ako masaya na masaya kayo habang ako ay nagluluksa. Ngayong patay na silang lahat, ako na ang magrereyna sa buong mundo ng immortal kasama ng aking mga kapanalig.”

 

 

 

 

 

“Kapanalig?”

 

 

 

 

 

“Oo. At sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala sa sumpang iniukit ko sa hiyas na ito.” Naroon ang sa kanyang kamay ang hiyas na iniukit  niya. “Nakasaad rito na kahit anong mangyari, kahit na mabuhay pa kayong muli dahil kayo ang nakatakdang magkasama, hindi na muling mangyayari iyon sapagkat hindi na kayo makapagbabagong anyo. Mamamatay kayo at hindi na muling mabubuhay pa.” Sigaw nito at tumawa ng malakas.

CONCEALED VAMPIREWhere stories live. Discover now