BLOOD 47: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (8)

Start from the beginning
                                    

“Ano ang ginawa mo sa kanila?”

“Wala akong ginawa sa kanila.” Tumingin ito kay Kuya Samuel, “Siya ang may ginawa sa kanila.” Paliwanag nito.

“K-Kuya…”

“Nilagyan niya ng lason na aking ginawa ang inumin. Dahil narito na rin naman ang hari at reyna ng kaharian namin, mas magiging madali sa akin ang pag-angkin sa trono nila. Gayun na rin sa trono na kukuhanin mo.”

 

 

 

 

 

 

 

“Ganid ka!” Sigaw ko.

“Wala kang alam, Thryna.” Balik na sigaw niya. “Tinalikuran ko ang lahat ng plano ko dati dahil kay Niell. Pero bigla kang lumitaw sa buhay niya. Tinalikuran niya ako at pinili niyang makasama ka. Hindi siya bumalik sa akin. Itinapon niya akong parang basura. Sinabihan at pinayuhan ko na siyang maghihiganti ako ngunit hindi siya natinag.” Paliwanag niya.

“Hayop ka!” Sigaw kong muli. Unti-unting nilalamon ng galit ang nararamdam ko dahil sa kanyang mga sinasabi

“Akala mo ba masarap ang iwanan ka ng mahal mo? Ngayon, ipararanas ko sayo ang lahat.” Sabi niya.

“Hindi ko kasalanan na iwanan ka niya dahil sa ugali mo pa lamang, sigurado akong inayawan ka na niya.”

CONCEALED VAMPIREWhere stories live. Discover now