Prologue

6.9K 107 0
                                    

September 2013

Batch 2003, Class Reunion

HABANG nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay may asar na ngiti na sumilay sa mga labi ni Aya. Ilang oras ang ginugol niya para lang ma-curl ang sariling buhok. Pero heto at ilang oras pa lang ang nakalilipas ay unti-unti ng naglu-loosen ang curls.

Gusto sana niyang ayusin ulit 'yon pero sunod-sunod na ang pagkatok sa pinto ng kwarto niya. Isa lang naman ang kakatok ng gan'on sa pinto niya. Si Tala ang pumasok sa loob ng kwarto, ang kakambal niya.

Malawak ang pagkakangiti nito. "Nandiyan na ang sundo mo."

Napangiti na rin siya. "Ang aga naman," pero nangingislap naman ang mga mata niya. Hinagod niya ng tingin ang kakambal na si Tala. Hindi sila identical nito kaya kapag sinasabi nila na kambal sila ay hindi kaagad naniniwala ang mga tao.

Tulad niya'y handa na rin ito para sa high school reunion ng batch nila.

"Ang ganda mo," nakangiting wika Tala.

Umikot ang mga mata ni Aya. "I know. Pero ikaw talaga ang mas maganda. Siguradong luluwa ang mga mata ni Dakila kapag nakita ka."

Kaagad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Tala dahil sa pangalang binanggit niya. Naglikot ang mga mata nito at mukhang natensiyon. Na-guilty tuloy si Aya sa biglang pagbanggit sa pangalan ni Dakila. She hit a sensitive spot by mentioning her sister's ex-fiancé.

"Sigurado ka bang ayaw mong sumabay sa amin?" tanong na lang ni Aya dito.

Umiling si Tala. "Dadaanan ako ni Evan. Magkita na lang tayo sa bahay ni Miss Charm."

She nodded and kissed her sister goodbye.

Sampung taon ang lumipas. Ngayong naiisip niya ay napapangiti na lang siya. Bittersweet memories filled her mind. Para sa kanya'y napaka-memorable ng buhay teenager niya pero pinaka makulay iyon noong sixteen siya. It was the year that made a huge impact on her whole life. Maging magpasahanggang ngayon.

She may be twenty-six now and she will be thirty-six in the next ten years and so on and so forth. But in her heart, there'll always be a part that will be forever a teenager.

Paglabas niya ng apartment na pinaghahatian nila ng kakambal niya mabilis niyang nakita ang sundo siya. Her dashing man. He was leaning on his car. Nang mapansin siya nito'y kaagad na nagliwanag ang mukha nito. Lumapad ang ngiti nito at tumuwid ng tayo.

Hindi niya namalayan na bigla'y bumilis ang mga hakbang niya. Gusto na niyang mayakap ito at magpakulong sa mga bisig nito.

She realized at this very moment that she will always run back to his arms no matter what.

Bebe Now That I've Found You  (TEENAGERS IN LOVE: Book 5 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon