BLOOD 46: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (7)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kasama niya ang kanyang pamilya at kamag-anak." Nakahinga ako ng maayos sa sinabi ni Ina. "Maghanda ka mabuti, Anak. Kailangang maging maayos ang iyong pagpapait ng anyo. Napakaselan ng paggamit ng kapangyarihan at ang transpormasyon na hatid nito."

 

Nasabi na ito ni Ina dati ng ipinasa niya ang binhi sa akin. Maaari raw ko raw makain ang kapangyarihan at maaari ring ako ang kainin nito. May mabuti raw akong puso kaya't buo ang kanilang pagtitiwala na magagawa kong malagpasan ang pagsubok na hatid nito.

 

"Wag po kayong mag-alala, ina. Hanggat nariyan kayo pati na rin si Niell, may dahilan ako para mabuhay at magtagumpay." Nakangiti kong sabi. Bilang ganti, niyakap ako ni ina.

"Si Ama po?" Sunod kong tanong.

"May pupuntahan lamang daw siya."

Magsasalita pa lang sana ako ng tumunog ang dambana.

"Lalabas na ang bilog na buwan!!!" Sigaw ng nakatokang tauhan namin.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon