"O? Anong nangyari sa'yo Sitti? Okay ka lang?" nag-aalalang sabi ni Patty habang hinihimas nya yung likod ko.

          "O-Okay lang ako."

          Gusto ko tuloy batukan yung sarili ko sa ginawa kong pagsigaw. Nagising ko tuloy ng wala sa oras si Patty.

          "Anong nangyari sa'yo?" tanong nya maya-maya ng makabawi na ako sa gulat ko. "Saan ka galing? Bakit ganyan itsura mo? Natulog ka ba?"

          Teka! Bakit tinatanong ni Patty kung hindi ako natulog?

          'H-Hindi kaya...nakita nya kami ni Kaizer sa labas kagabi?!' sa isip ko. 'Hindi kaya, nagising namin sa ginawang pagkanta ni Kaizer yung mga kaklase namin?!'

          'Hindi kaya nakita ng lahat ng kasama namin sa retreat house yung ginawa namin ni Kaizer na...na...gawd! Bakit ba hindi ko masabi ng derecho ang bagay na iyon?!'

          "Earth to Sitti! Earth to Sitti! Come in! Come in!" sabi ni Patty sabay pitik ng mga daliri nya sa harapan ko.

          "H-Huh?! Ano iyon?" biglang sabi ko. "May sinasabi ka ba?"

          "Ang sabi ko kung gusto mo na bang bumaba? Tumunog na kasi yung bell ni Ma'am. Breakfast na natin."

          Bumuntong-hininga ako. Akala ko pa naman kung ano na.

          'Mukha namang walang alam si Patty sa nangyari kagabi...' sa isip ko habang palihim kong pinapanood si Patty habang nag-aayos ito ng sarili nito bago kami bumaba.

          Teka! Baba? Kami? Kapag bumaba ako...

          'Magkikita kami ni Kaizer sa baba?!'

          Bigla ko tuloy gustong tumalon pabalik sa higan ko dahil sa biglang naisip ko. Kaya lang di naman pwede iyon kasi nasa taas ng double deck yung higaan ko. Saka hindi na ako pwedeng magpalusot na hindi ako sasama sa pagkain namin sa baba ngayon.

          Wala na akong maidadahilan na palusot para maiwasan na makita si Kaizer!

          Gawd! Nakakainis! Dapat pala kanina lang ako tinakot ng multo sa haunted house na iyon para pwede pa akong magpahatid ng pagkain ko sa kwarto namin ni Patty eh!

          "Tara na?"

          Napaangat ako ng tingin sa nakangiting mukha ni Patty.

          "P-Pwede bang magpahatid na lang ako ng pagkain dito?" alanganing sabi ko kay Patty.

          "Huh? Bakit?"

          "Kasi ano..."

          Ano? Ano? ANO?! Anong sasabihin kong palusot?!

          "Halika na!" natatawang sabi ni Patty sabay niyakap ng isang braso nya yung braso ko para hilain ako patayo mula sa pagkakaupo ko sa tapat ng dresser. "Kung si Kaizer pa rin ang iniisip mo at yung pagyayakapan nyo, okay lang yun! For sure no big deal lang kay Kaizer iyon!"

          'Hindi lang naman yung ang inaalala ko Patty eh!' gusto ko sana isigaw sa kanya kaya lang hindi ko din nagawa.

          Kaya sa bandang huli, napasunod na lang ako kay Patty sa pagbaba namin sa sala para kumain.

          Sana lang wala doon si Kaizer o di kaya nagka-LBM sya para di ko sya makasam kumain sa baba.

          'Magka-LBM sana sya! Sana! Sana! Sana!' mahinang dasal ko sa utak ko.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon