Chapter Five: Run, Devil, Run!

3.4K 175 23
                                    

MUKHANG hindi ko nalabanan ang antok dahil nagising ako. Hindi ko naman imumulat ang mga mata ko kung unang-una, hindi ko naman ipinikit ang mga 'yon ng matagal. Masuwerte ako na hindi ako naisipang sakalin o saksakin ni Levi no'ng nakatulog ako. Wala talaga akong ingat madalas.

Pero hindi ko rin naman masisi ang sarili ko. Sa dami ng mga nangyari sa'kin kagabi, imposibleng hindi ako mapagod at hilahin ng antok. Kailangan ng katawan ko ng lakas at pahinga para na rin makapag-isip ako ng maayos kung paano ako makakatakas sa mansiyon na 'to.

Pagbangon ko, nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Masakit pa rin ang mga kalamnan ko, pero pinilit ko pa ring tumayo at maglakad papunta sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sina Vince, Tita Viel, Tito Celio, at Jared (na bugbog pa rin ang mukha pero halata namang galing na siyang ospital at nakapagpagamot na) na may kasamang mga tanod at mga residente ng halos buong bayan.

Malakas ang kutob ko na nagsumbong si Jared kaya nandito sila ngayon para kumpirmahin kung totoong may buhay na manika sa mansiyon.

Nang ilapat ko ang mga kamay ko sa salaming bintana para mas silipin pa ang nangyayari sa labas, napansin kong hindi na naka-lock ang mga 'yon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Kung hindi na 'yon nakakandado, posible kayang...

Tumakbo agad ako papunta sa pinto at sa pagkagulat ko, bumukas agad ang seradura nang pihitin ko 'yon. Malaya na ko!

Siyempre, hindi na ko nag-aksaya ng oras. Pero habang tumatakbo ako palabas ng bahay, hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung bakit pinakawalan na ko ni Levi. Naawa ba siya sa'kin dahil iniyakan ko siya kagabi? Kung gano'n, hindi nga siya masamang manika. Siguro nga, mas tao pa rin siya kaysa sa mga hayup na tulad ni Jared.

Nagpapasalamat ako kay Levi, oo. Pero hindi pa rin sapat na dahilan 'yon para manatili ako sa mansiyon na 'yon. Natatakot pa rin ako sa kanya.

Nang marating ko ang main door, naabutan ko si Beatrice na nagpapaliwanag sa mga taumbayan.

"I am not keeping a living doll in this house," mariin at parang praktisado nang paliwanag ni Beatrice. "'Yong mga manika na nandito sa mansiyon na 'to ay 'yong mga mga klase ng manika na in-e-export ko sa ibang bansa bilang bahagi ng negosyo ko. Ano'ng century na ba para maniwala pa kayo sa mga possessed dolls?"

"Alam ko kung ano ang nakita ko!" giit naman ni Jared na itinuro pa ang mukha. "'Yong buhay na manika sa bahay na 'yan ang bumugbog sa'kin kagabi!"

Naikuyom ko ang mga kamay ko sa galit. Ngayong nakikita ko si Jared, bumalik sa'kin ang lahat ng mga ginawa niya sa'kin kagabi. Habang nakatingin ako sa bugbog niyang mukha, mas lalo akong naging grateful sa ginawa ni Levi sa walanghiyang lalaki."Hindi totoo 'yan!"

Natahimik ang mga bulungan at lahat, napatingin sa'kin. Pero tanging ang mga mukha lang ng pamilya ko ang mahalaga sa'kin.

"Sunny!" sigaw ni Vince, halatang na-relieve nang makita niya ko. Patakbo siyang lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Nag-alala kami sa'yo nang nag-text ka sa'kin at sinabi mong sa mansiyon ka magpapalipas ng gabi dahil inimbitahan ka ng houseowner para sa job offer niya sa'yo. Pero kaninang madaling-araw, nagpunta naman si Jared sa bahay at sinabi ngang dinukot ka ng buhay na manika sa bahay na 'to."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Una, hindi ko na nakita ang phone ko na nahulog sa bulsa ko nang humagis ako sa sahig kagabi. Pero naisip ko na baka nakuha 'yon ni Levi at siya ang nagtext kay Vince para hindi ako hanapin ng mga kapamilya ko.

Lumapit na rin sina Tita Viel at Tito Celio sa'kin. Tinatanong nila kung okay lang ba ko. Tumango lang ako para hindi na sila mag-alala pa.

"Sunny, tell them the truth!" sigaw naman ni Jared. "Inatake tayo ng buhay na manika kagabi, 'di ba? Sigurado akong manika 'yon at hindi tao!"

SUPERNOVA (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon