Chapter One: Apparently, This Is How It Ends

15.4K 415 227
                                    

I DON'T like people.

Hindi naman ako mahiyain, suplada, o arogante. Ayoko lang nakikipag-usap at nakikisalamuha sa mga tao. Mahirap bang intindihin 'yon?

Unfortunately, gano'n na nga siguro.

Dahil para sa summer vacation ko, pinatapon ako ng mga magulang ko sa kung saang probinsiya para mag-'reflect' sa nagawa kong kasalanan. Yeah, right. That Hani bitch– my ex-best friend– deserved it. I will never apologize for what I did to her.

So, anong gagawin ng isang eighteen year old girl na tulad ko sa ganitong lugar?

Eh di magligtas ng mga api mula sa mga bully.

"I'll do it," walang ganang deklara ko na halatang ikinagulat ng apat na lalaki sa harap ko. They looked at me like I just grew a penis on my forehead. Eww. "I said I'll do it. Ako ang papasok d'yan sa tinatawag niyong House of Dolls at mag-i-stay overnight para malaman niyo kung may multo nga d'yan o wala."

Si Jared, 'yong maskuladong leader ng mga bully sa lugar na 'yon dahil anak siya ng mayor, ay nanlaki ang mga mata sa gulat. Guwapo sana siya dahil may pagka-mestizo, mana raw sa nanay niyang dating beauty queen. Kaso, kung ano kinalaki ng biceps niya, gano'n naman ang ikinaliit ng utak. Twenty years old na siya pero sophomore pa rin sa course niyang Business Management. Ayon pa sa mga narinig ko, kung hindi lang dahil sa pera ng pamilya niya ay baka hindi pa rin siya naka-graduate ng high school. Idagdag na rin ang mga records niya ng pam-bu-bully sa university. Nagbabakasyon siya ngayon sa probinsiya dahil, well, nagtatago raw siya mula sa babaeng nabuntis niya sa Manila.

May dalawang alalay si Jared na mga pormang gangster. Naka-shades pa sila, parang bodyguard lang ang peg. Tawagin na lang natin silang Minion 1 at Minion 2 dahil honestly, wala akong interes sa kanila.

Finally, I met Vince's terror-filled eyes. Pinsan ko siya. Siya 'yong tipo ng bading na hindi mo maiisip na bakla dahil guwapo siya. Maamo ang mukha, at malinis at unat parati ang suot na mga polo, gaya ngayon. Kaso, malamya siyang kumilos at magsalita. Do'n mo lang mapapansin na hindi siya straight. Magkasing-age din kami. In fact, magkaklase pa nga kami sa course naming Journalism. Madalas kaming mapagkamalang kambal no'ng mga bata pa kami dahil lagi kaming magkasama.

Yep, close kami ni Vince. Sa sobrang close namin, akala ng mga magulang ko ay 'makakatulong' kung siya ang kasama ko habang nag-re-'reflect' dahil kilala ang pinsan kong 'to bilang 'good influence.' So yeah, I was living with his family right now.

Kaya bilang pagtanaw ng utang na loob kina Tita Viel at Tito Celio (na kuya ng mommy ko) para sa pagpapatuloy sa'kin sa bahay nila at pang-i-spoil sa'kin sa pamamagitan ng pagluluto ng mga paborito kong ulam at paggawa ng mga masasarap na dessert, ililigtas ko si Vince– na unico hijo nila– mula sa pam-bu-bully ni Jared.

I don't like people, yes. But I have my days. Awesome days, just like this one.

"Sunny, don't do this," pigil naman ni Vince sa'kin, halata sa boses ang takot. "The House of Dolls is haunted. Saka kamamatay lang ng housekeeper niyan. Baka multuhin ka niya."

"Alam mo namang hindi ako takot sa mga multo-multo na 'yan kaya huwag kang mag-alala, Vince," kampanteng sabi ko naman, saka ako humalukipkip at binigyan ng naghahamon na tingin si Jared. "You, Mr. All-Brawn-And-No-Brains." No reaction ang mokong. Alam niya kaya ang ibig sabihin ng tinawag ko sa kanya? Hmm, mukhang hindi. "Let me get one thing clear. Kapag nagawa ko 'yong challenge na pilit niyong pinapagawa sa pinsan ko, ibibigay niyo sa'kin ang kinuhanan niyong video ng intimate moment nila ng boyfriend niya. That's the deal, okay?"

Heto ang backstory: habang nag-de-date raw sina Vince at ang 'The Boyfriend' niya sa may tabing-ilog (gah, seriously, cous?) ay naghalikan ang dalawa (the torrid kind). Sa kasamaang palad, nando'n din ang grupo ni Jared kaya nakunan niya at ng mga minion niya ng video ang eksenang 'yon. Akala siguro nila, cool ang mang-istorbo ng private moment ng dalawang gay men para pahiyain at paglaruan ang mga ito.

SUPERNOVA (COMPLETE)Where stories live. Discover now