KABANATA 15 : ROSALIE

54 4 0
                                    



A/N: Hello another chapter is updated. napaaga ang update ko. haha 

record breaker ito. haha XD 

anyways, here's the latest update 

Please do comment, vote and recommend this 


Thank you po!

-KENNETHWRITESSTORIES-

***

Rosalie. 

Rosalie ang pangalan na nakasulat sa kwintas niya. Ibig sabihin yung batang nagpapakita sa akin at sa kanila ay iisa. Hindi ko matandaan kung saang lugar ko nabasa ang pangalan niya. napakapamilyar . parang kaytagal ko ng napakinggan ang pangalan niya. 


"Ate." tawag nito sa akin.  ang tinig niya'y tila musmos na batang pinagkanulo. parang nagmamakawa ang reaksyon ng mukha nito. napansin ko ang mga mata niyang may bahid ng kalungkutan. 


"Tulungan mo naman ako..." pagsusumamo nito habang unti-unting pumapatak ang luha sa magkabilang pisngi. 


"Ate... sige na po..." 


"P-pero paano? b-bakit ako? "tanong ko sa kaniya.


"Ate, alam kong nakakakita ka ng kaluluwang tulad ko. kaya ikaw ang una kong nilapitan" sagot naman ng munting bata. 


"A-anong magagawa ko?, papaano kita matutulungan?"  utal utal kong tanong


"Pinatay nila kami." malungkot na pahayag ng bata. napansin kong nagiba ang reaksyon ng mukha nito. 


"Galit ako sa kanila. pinatay nila kami" 


"Pinatay nila kami" Ilang beses pang naulit ang sinabi nito. Nag-iba rin ang tono ng pananalita nito sa amin. ang kanyang matang inosente ay nabahiran ng 


galit. pagkapoot. 


Iba-iba. Marami. 



Nang mga panahong yun. pinili kong manahimik. pinili kong pakinggan ang kwento ng musmos na batang si Rosalie. ang kagimbal-gimbal na kwento sa likod ng masayahing bata. nang batang pinatay at kinain ng madilim na nakaraan.


Posible bang maging mabuti ang masama?

At...


Maaari rin bang maging tama ang mga mali?

Hindi ko alam kung papaano ko siya matutulungan.

Ngunit, isang katungkulan ang dapat kong gampanan


Isang mabigat na responsibilidad. 

At ito ang kailangan kong isakatuparan.

Hindi ko alam kung ito ba ang magiginmg susi ng sagot sa matagal ko ng katanungan. 


Sana tama. sana tama ang naging pagpapapasiya ko...

TERROR UNIVERSITYKde žijí příběhy. Začni objevovat