Ikasampung Kabanata: Ang Kambal

65 6 1
                                    


Nang mapulot ko ang larawan. Pinagmasdan ko ito ng maigi. lumang luma na ito. bukod sa makapal na alikabok na bumabalot sa buong larawan kapansin-pansin din ang makalumang kulay nito. nagkulay kayumanggi na ang bawat tao na narito. may isang lalaking nakasuot ng barong at isang magandang babae na siguro ay nasa edad 40's ang nakasuot ng puting bestida. ang pinagtataka ko ay kung bakit parang ang sarili kong mukha ay narito rin.


Ilang minuto lang ay napansin kong tila gumalaw ang larawan ng babae. Posible kayang may koneksyon ito sa aking nakaraan. sa pamilya namin ?


Maraming bagay ang nais kong malaman. 

May mga nais silang sambitin ngunit hindi nila iyon masabi. kailangan nila ng tulong

Kailangan na kailangan...


***

Hindi ko  alam kung Paano ito nagsimula. Ngunit ang higit na ikinakabahala ko ay ang  mga taong nakapalibot sa akin---SA AKIN na maaaring madamay . mga inopsenteng tao na sa isang iglap ay maaaring kuhain ng dilim. maaaring sakupin ng kapangyarihang itim. 

Kung paano natin mapapatunayan na ang mga ito'y katotohanan at hindi haka-haka lamang.

Naihagis ko ang larawan dahil sa pagkabigla nang may kumatok sa pintuan.

"Tao po, Tao po" katok nito. 

Pinagbuksan ko ito ng pinto at pinatuloy sa aming sala. 

"Tuloy ka, Ate Cai" sabi ko sa kanya habang tinititigan ang  malusog na batang kasa-kasama niya sa kanyang likuran. para itong nahihiya na hindi ko mawari.

"Sino yung kasama mong bata ate ?" aking untag sa kanya "Ang cute mo naman, anong pangalan mo?" muli kong tanong sa bata," basty po , Ako po si Basty, hello po" sabi ng bata sa akin na ngayon ay ngumingiti. 

nakakagaan naman sa pakiramdam ang batang to.

Ngunit may katanungan akong hindi ko alam kung tama 


Ang Basty ba na kasa-kasama ni ate at ang Basty sa aking panaginip ay Iisang tao lamang?

Posible kaya ang ganoong klase?

TERROR UNIVERSITYWhere stories live. Discover now