Ikalimang Kabanata: Bahay ni Lola

171 8 2
                                    

Dedicated to: LeyyZi

Summer .

Bakasyon na at umuwi kami sa probinsya kung saan kami magbabakasyon matapos ang aming school year. isinama ko ang mga kaklase ko upang makapagpahinga kami. Mahaba-habang byahe ang naranasan namin papuntang Siquijor. 

Papunta pa lang kami noon ng bigla na lamang nagsalita si ate Cai ang class president namin. 

"Guys! stop! Did you see that?" 

"Hell no, wala kaming nakikita dito, what are you talking about?"Kuya Luis

Nagtaka ang lahat dahil sa sigaw na 'yun ni ate Cai. ngunit sa pagkakataong ito mas lalo kaming kinilabutan dahil sa nasaksihan namin.

"Mga hijo at hija saan kayo tutungo?." tanong ng isang matandang lalaki na marahil ay nasa 40-50 taong gulang. Bigla na lamang itong sumulpot sa kung saan.

Para kaming napipi ng mga oras na iyon. walang salita ang nais kumawala sa aming mga bibig. walang tinig ang nais lumabas sa aming nananahimik na mga labi. Kaya't minabuti namin na umiwas sa kaniya

Aaminin ko, medyo nakakatakot kasi ang dating ni 'tatay '. bukod sa  aura na mayroon siya. nararamdaman ko rin ang pagiging mailap niya

Gusto kong alamin

Pero paano?...

***

Nakapakinig ka na ba ng musikang nakakikilabot? 

Ng musikang bigla ka na lamang titindigan ng balahibo?. 

Ako? Oo, maraming beses na. napadpad kami sa lumang bungalow na dating tinitirhan ng Lola ko. sabi nila mabait daw na tao ang kamag-anak ko. Lalong lalo na raw ang aking Lola. Isang katulong ang sa amin ay humarap.  

" Anong ginagawa niyo dito?" tanong nito sa amin. kapit-kapit nito ang aking braso. nagulat kami kasi hindi naman namin alam kung saan siya lumabas at kung papaanong napunta siya sa aming kinatatayuan.

" A-ako p-po si Rhea, A-apo po ako ni aling Saleng." Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay kaagad na binitawan niya ang aking braso. nakaramdam naman agad ako ng pansamantalang pagluwag ng aking hininga. dahil sa labis na pagkatakot at pagkabigla.

"Pen pen de sarapen 

de kutsilyo de almasen...



TERROR UNIVERSITYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant